Namamalimos na tsuper, umaapela ng tulong mabigyan ng hanap-buhay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Namamalimos na tsuper, umaapela ng tulong mabigyan ng hanap-buhay

Namamalimos na tsuper, umaapela ng tulong mabigyan ng hanap-buhay

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Umapela ng tulong pang-puhunan ang isa sa mga natenggang tsuper ng pampasaherong jeepney bunsod ng pandemyang dulot ng COVID-19.

“Kahit papaano po, pagkakakitaan ko kahit po pagtitinda lang ng fish ball….sisipagan na lang ang pagtitinda,” ayon kay Rodel Roldan.

Sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga, sinabi ni Roldan na sa ngayon ay patuloy siyang namamalimos sa kalsada para may pangtustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya at 3 anak na pawang nag-aaral pa.

Kuwento niya, naghanap naman siya ng ibang mapapasukan nang hindi pa payagan ang kanilang ruta na muling makabiyahe.

“Kaya lang, napakahirap maghanap. Ang daming requirements hinahanap sa akin gaya ng rapid test, swab test, na wala naman po akong sapat na pambayad,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

Masaklap pa aniya, naaksidente siya matapos na mahulog sa truck.

“Sana po nakabiyahe na ako kaya lang naaksidente ako noong huling buwan. Nalaglag po ako sa truck, sa kagustuhan kong madagdagan kinita ko, sumabit po ako sa truck. Sa kasamaang palad po nakabitaw ako,” sabi niya.

May dalawang dekada nang tsuper ng pampasaherong jeepney si Roldan na ang ruta ay Sangandaan-Divisoria.

“Hanggang ngayon ‘di na ako makatrabaho dahil masakit pa rin. Buti nga po ‘di ako nagulungan,” sabi niya.

- TeleRadyo 16 Pebrero 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.