Paalaala ng MMDA: No-contact apprehension, suspendido pa rin | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paalaala ng MMDA: No-contact apprehension, suspendido pa rin

ABS-CBN News
Published Feb 10, 2023 08:40 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Nananatiling suspendio ang pagpapatupad ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Ito ang paalaala ni MMDA Chairman Atty. Romando “Don” Artes sa publiko sa gitna ng pagkalat sa social media ng mga post na nagsasabing ipatutupad nang muli ang NCAP.

“Patuloy pong suspendido ang NCAP dahil may pending pong temporary restraining order or TRO ang Supreme Court laban dito, so hindi po naming pwedeng implement yan,” pahayag niya sa TeleRadyo.

“Wag po tayo maniwala, yan na po ay paulit-ulit na naming dini-deny. Nare-recycle po eh, lumabas na po yan a few months ago,” aniya.

ADVERTISEMENT
Noong Agosto 30 nitong 2022, matatandaang nagbaba ang Korte Suprema ng TRO laban sa NCAP matapos na maghain ng reklamo ang ilang transport group laban dito.

Ayon sa opisyal, patuloy na dumadami ang mga sasakyan sa Metro Manila.

“Medyo bumibigat na po yung daloy ng traffic as the economy recovers, dumarami na rin po yung sasakyan…pero mas mabilis pa rin po nang konti.”

Sabi ni Artes, patuloy ang kanilang mga tauhan sa pagpapatupad ng maayos na traffic management sa lungsod.

“Patuloy pa rin naman po yung full deployment natin, at kasama na po dyan yung ating bilin sa ating mga traffic enforcers na traffic management ang uunahin, hindi po ang panghuhuli.”

--TeleRadyo, 10 February 2023
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT