Home > News GSIS may ilang pasubali sa gov't retirement age bill ABS-CBN News Posted at Feb 03 2023 11:19 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - May ilang pasubali ang Government Service Insurance System sa panukalang optional na pagbaba ng government workers retirement age. Ang naturang panukala, House Bill (HB) No. 206, ay naipasa sa final reading ng House of Representatives noong nitong Martes. House approves lower optional retirement age for state workers Ayon kay GSIS senior vice president Jason Teng, kapag naisabatas ito, mababawasan ang paniningil ng premiums at mapapahaba rin ang pagbabayad ng pension. Aniya, malaki ang epekto nito sa buhay ng pension funds sa bansa, at baka mabawasan ng 11 taon. Ang ibinayad ng isang tao umano'y mababawasan ng apat, at ang pagbabayad ng pensyon ay mapapa-aga ng apat na taon. Gov't employees welcome bill for earlier optional retirement: CSC "On the basis, may mawawala sa GSIS," ani Teng. Sana ay may madagdag raw sa mga provision ng naturang panukala. Puwedeng pag-usapan umano kung magkakaroon ng premium increase ang mga miyembro ng GSIS. Ani Teng, hanggang 2053 ang pondo ng GSIS sa kasalakuyan. Kada taon na maganda ang performance ng ahensiya, humahaba aniya ang buhay ng pondo nito. - SRO, TeleRadyo, Pebrero 3, 2023 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, PatrolPH Read More: Government Service Insurance System GSIS House of Representatives House Bill No. 206 optional government workers retirement age retirement GSIS premium GSIS pension GSIS benefits