Paglabas ng desisyon sa Marcos DQ case napapanahon na - ex-Comelec official | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paglabas ng desisyon sa Marcos DQ case napapanahon na - ex-Comelec official

ABS-CBN News
Published Feb 01, 2022 05:09 PM PHT
|
Updated Feb 02, 2022 10:14 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Napapanahon nang ilabas ang resolution sa mga kasong disqualification laban kay presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ayon sa isang dating commissioner ng Commission on Elections ngayong Martes.

Sabi ni Atty. Lucenito Tagle, may sinusunod silang timeline sa Comelec.

"Very important case ito. Dapat talaga pinag-aaralan, pero napapanahon na din na ilabas na 'yung decision," aniya sa panayam sa TeleRadyo.

Nasisira aniya ang integridad ng Comelec sa bangayan nina outgoing Comelec Commissioner Rowena Guanzon at Commissioner Aimee Ferolino kaugnay sa disqualification cases.

ADVERTISEMENT
"Nagtataka nga ako bakit hindi rin nalalabas 'yung desisyon. Matagal na rin eh... Jan. 17 pa 'yung ibang desisyon, na-issue na. At bakit naman itong isa, wala pa? I don't know if there is basis for the delay," ani Tagle, na naging Comelec commissioner mula 2008 hanggang 2015.

Para sa kaniya, dapat nang mamagitan si Comelec chair Sheriff Abas para maayos ang gusot na nangyayari sa loob ng First Division ng ahensiya.

"Kung tutuusin, dapat nga makialam si Chairman. Talagang napakaimportante nito. Sabihin niya ang kaniyang position on this matter para matahimik 'yung nagtutunggali," dagdag ni Tagle.

Noong Huwebes, ibinulgar ni Guanzon ang boto niya pabor sa pag-disqualify kay Marcos, kahit wala pang aktuwal na desisyon mula sa dibisyon.

Sa 24 pahinang opinyon, ipinaliwanag ni Guanzon na disqualified si Marcos dahil sa hindi paghahain ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985, na maituturing umanong moral turpitude.

Ani Guanzon, Enero 17 daw ang usapan nilang 3 commissioner ng First Division na ilabas ang resolusyon ng kaso.

Sabi niya, tila may nanghihimasok umano sa kaso.

Pumalag naman si Ferolino sa mga patutsada ni Guanzon.

Aniya, walang delay dahil si Guanzon lang umano ang nagtakda ng deadline para sa resolusyon at hindi ang dibisyon.

Read More:
Tagalog news
TeleRadyo
Lucenito Tagle
Rowena Guanzo
Aimee Ferolino
Ferdinand Marcos Jr
Bongbong Marcos
Comelec
Commission on Elections
disqualification
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT