2 barangay kagawad nahulihan ng droga sa Sampaloc | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 barangay kagawad nahulihan ng droga sa Sampaloc

ABS-CBN News
Published Jan 24, 2023 08:07 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Sa halip na sa barangay hall, sa kulungan mananatili ngayon ang 2 barangay kagawad ng Barangay 573, Zone 53 ng Sampaloc, Maynila matapos mahulihan ng ilegal na droga kagabi.

Ayon kay P/SSGt. Carlo John Quijano ng SDEU-Sampaloc Police Station, target ng kanilang buy-bust operation ang isa sa mga suspek.

Matapos makipagtransaksyon nito sa pulis na nagpanggap na poseur buyer, dumating naman ang magkapatid na suspek na inabutan ng plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Dito na naaresto ang tatlong suspek at nakumpiska sa kanila ang walong gramo ng ilegal na droga.

ADVERTISEMENT
Matapos mahuli ang mga suspek, nagtungo sa police station ang kapitan ng barangay para i-verify ang report. Wala umano itong alam sa gawain ng kanyang mga kagawad.

Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.—Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News