PatrolPH

Mga tindero sa QC na magpapabakuna kontra COVID bibigyan ng P2,000

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2022 09:56 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Muling iikot ang mga opisyal ng Quezon City Market Development and Administration Department sa Commonwealth Market at Litex Market upang tukuyin ang mga vendor na hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Ang mga unvaccinated vendor ay direktang dadalhin sa Quezon City Memorial Circle upang doon bakunahan.

Sa oras naman na tumangging magpabakuna ang isang vendor, kinakailangan nitong sumailalim sa COVID-19 swab test kada 2 linggo. Ito ay sa bisa na rin ng MMDA Resolution 22-01.

Noong nakaraang linggo, inihayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagbibigay ng P2,000 ayuda sa mga magpapabakuna at matitigil sa pagtitinda.

Pabor naman sa programa ang karamihan sa mga market vendor pabor at sinabing hindi lamang ito para sa kanilang kapakanan bagkus para na rin sa mga mamimili.—Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.