Lalaking nagnakaw ng motor sa Tarlac nakabangga habang patakas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagnakaw ng motor sa Tarlac nakabangga habang patakas

ABS-CBN News
Published Jan 10, 2022 07:22 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi na nakuha pang makalayo at makatakas ang isang magnanakaw ng motorsiklo sa Tarlac matapos mabangga sa isang L300 van.

Sa imbestigasyon ng Tarlac Police, umaga noong January 7 nang pauwi na sa kanilang bahay sa Barangay Macaguing ang 17-anyos na binatilyo, lulan ang motorsiklo, nang biglang may lumapit na isang lalaki na may hawak na patalim.

Puwersahang tinangay ng suspek ang motorsiklo at tumakas patungong Barangay Botbotones.

Dahil sa bilis nitong magpatakbo, nakabangga ang suspect sa isang L300 dahilan para ito ay mahuli ng Santa Ignacia police.

Napag-alaman na ang suspect ay residente ng Barangay Barang Paniqui, Tarlac at mayroon pa umano itong tricycle na unang natangay sa Barangay San Isidro, Camiling, Tarlac.

Kinasuhan na ang suspect ng carnapping, pero napag-alaman ng mga awtoridad may psychosocial disability ito, kayat nirefer ng piskalya na maipagamot muna ang suspek sa Mariveles, Bataan.