'Holdaper' patay sa engkwentro sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 07:53 AM

Watch also in iWantTFC

QUEZON CITY - Patay ang isa umanong holdaper matapos makaengkwentro ng mga pulis Martes ng madaling araw sa Lupang Pangako, Barangay Payatas, Quezon City.

Ayon sa biktima ng umanong holdaper, pauwi na siya at pasakay na ng tricycle sa kanto ng Urban nang harangin siya ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Tinutukan umano siya ng baril at tinangay ang kanyang bag. Tiyempo namang may mga nakapuwesto pulis sa nasabing lugar kaya agad silang nakaresponde, ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni ng Quezon City Police District Station 6. 

Nagkahabulan at nagkaputukan ang mga suspek at mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga kawatan. 

Nakuha mula sa insidente ang isang kalibre .38 na baril, mga basyo ng bala at ang bag ng biktima. -Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.