Estudyanteng 'chop chop' victim natagpuan sa Bacoor | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Estudyanteng 'chop chop' victim natagpuan sa Bacoor

Estudyanteng 'chop chop' victim natagpuan sa Bacoor

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagdadalamhati ang pamilya ng isang estudyante sa Tondo, Maynila matapos siyang matagpuang patay sa Bacoor City, Cavite.

December 30 nang lumapit na sa pulis ang mga kamag-anak ni Rusty Dela Cruz, 19 anyos na estudyante mula Tondo, Maynila.

Inireport nilang nawawala ang binata kaya agad nagkasa ang mga pulis ng imbestigasyon.

Miyerkules ng hapon noong nakaraang linggo huling namataan ang estudyante sa kanto ng Severino Reyes at Remigio Street sa Tondo kung saan nakita siyang pumasok sa inuupahang bahay ng isang businessman.

ADVERTISEMENT

Nakunan ng CCTV ang paglabas ng businessman sa bahay pasado alas onse ng gabi.

May bitbit siyang dalawang malalaking sako na isinakay sa likod ng isang taxi.

Huwebes na nang makatanggap ng tawag ang Moriones police tungkol sa dalawang sako na natagpuan sa Bacoor Boulevard sa Bacoor City, Cavite.
Tugma ito sa mga sako na nakita sa CCTV.

Tumambad sa mga pulis ang hati-hati na katawan ng isang lalaki.

Nang puntahan ito ng mga pulis at ng kapatid ni Dela Cruz, nakumpirmang ang kapatid niyang estudyante ang nasa mga sako.

Agad ikinasa ang follow up operation at inaresto ang businessman na posibleng huling kasama ng biktima.

Isang patalim naman ang nakuha sa kanya.

Ayon kay Manila Police District Director Brigadier General Leo Francisco, may mga impormasyon na nagamit umano ng biktima sa online sabong ang pera ng suspek.

Tuloy ang kasong murder na isinampa laban sa suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.