No permit, no entry: Baguio City limitado muli ang tatanggaping turista | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

No permit, no entry: Baguio City limitado muli ang tatanggaping turista

No permit, no entry: Baguio City limitado muli ang tatanggaping turista

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 03, 2022 08:14 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bawal muna ang mga turista sa Baguio City dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang tatanggapin lang ng lungsod ay mga bisita na nauna nang nakakuha ng QR-coded Tourist Pass o QTP.

Ayon sa Baguio Public Information Office, ang mga bagong leisure travel requests sa Baguio Visita website ay hindi na nila aaprubahan. Ibig sabihin, sa mga turista na nagpaplano pa lang o nagbabalak pa lang na bumisita sa Baguio dahil sa malamig na panahon ngayong Enero, hindi muna kayo makaka-akyat sa lungsod.

Ang mga pre-approved travel na may QTP lang ang maaaring pumasok sa Baguio. At lahat ng pending requests ay considered rejected na o di na aprupado.

Pwede naman pumasok sa Baguio ang mga Authorized Person Outside of Residence (APOR) at 'yung mga official trips basta't mag register pa rin online sa Baguio website.

ADVERTISEMENT

Nauna na ring nagbabala ang lungsod sa mga bisita na wag na sumubok pumasok sa lungsod kung kulang ang mga requirements o kung walang QTP.

Nitong holiday season aniya, umabot sa higit 100 katao kada araw ang hindi nila pinapapasok sa Baguio at pinapababa na lang dahil kulang o walang maipakitang documents pagdating sa checkpoint sa lungsod.

Noong December 26 ay 4 lang ang active cases sa Baguio, pero matapos ang isang linggo lang ay tumaas ito sa 73 active cases kahapon.

ABS-CBN TeleRadyo, January 3, 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.