7 drug suspek patay sa mga lalawigan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 drug suspek patay sa mga lalawigan

7 drug suspek patay sa mga lalawigan

ABS-CBN News

Clipboard

7 drug suspek patay sa mga lalawigan
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pitong drug personalities ang patay sa magkakasunod na operasyon kontra droga sa mga lalawigan kasabay ng pag-upo ni Pangulong Duterte sa Palasyo.

Patay sa pamamaril si Raymund Weil Pobre, ang itinuturo na number 1 sa drug watchlist ng Paoay, Ilocos Norte.

Pinagbabaril siya sa kaniyang bahay ng hindi pa nakikilalang suspek.

Droga ang nakikitang dahilan ng pulisya sa pagpatay sa kaniya.

ADVERTISEMENT

Sa Tagbilaran sa Bohol naman, patay din sa loob ng inuupahang pension room ang umano ay level 1 na tulak sa lalawigan na si Karlvin Licong, at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa PNP, nakipag-transaksyon ang pulisya sa mga suspek na gumagamit pa ng droga sa silid. Pero, nakatunog ito sa ginagawang buy-bust operation na humantong sa palitan ng putok.

Walang sugatan sa tropa ng pulisya.

Narekober sa lugar ang 14 na sachet ng shabu at drug paraphernalia. Kasama ring nakuha ang higit sa P 4,000, .45 na baril at isang armalite.

Dead on the spot naman sina Rene Gonzales alyas "Kadyo", at Arnel Dar alyas "Idol" matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Sitio Santo Niño, Barangay Mayapa Huwebes ng hapon.

Ayon sa PNP, subject ang dalawa ng arrest warrant sa kasong attempted murder at sangkot din sila sa pagtutulak ng droga sa lugar.

Sa Hagonoy, Bulacan, dead-on-the-spot ang isang hinihinalang drug pusher at umano ay leader ng notorious Bonet Gang na si Lamberto Morales Cruz alyas "Buddy" matapos umanong manlaban sa humahabol na mga pulis, Huwebes ng gabi sa National Highway patungong Longos.

Ayon sa Hagonoy Bulacan PNP, ihahain sana nila ang warrant of arrest sa suspek pero agad raw itong bumunot ng baril at nagpaputok sa mga pulis.

Sabi ni P/Insp. Heryl Liwanag Bruno, chief of police ng Hagonoy Bulacan PNP, "Balak pa sanang tumalon sa ilog ng suspek sakay ng motor niya, pero na-corner na siya ng mga pulis kaya bumunot siya."

Leader ng grupong Bonet Gang ang suspek na nagtutulak sa lalawigan. Nag-aagaw din umano sila ng motor at sangkot din sa gun for hire.

Nauna nang nahuli ang 7 miyembro ng grupo ni Cruz na nagsuplong sa kaniya.

Naniniwala ang PNP na malaking kabawasan sa paglaganap ng droga sa lalawigan ang pagkabuwag sa grupo ni Curz.

- Ulat ni Francis Faulve, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.