Sanggol na nalapnos ang balat, ooperahan sa Amerika | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sanggol na nalapnos ang balat, ooperahan sa Amerika

Sanggol na nalapnos ang balat, ooperahan sa Amerika

ABS-CBN News

Clipboard

Sanggol na nalapnos ang balat, ooperahan sa Amerika
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isang dalawang taong gulang na sanggol na nasunog ang balat ang umalis Linggo ng gabi papuntang Amerika para maoperahan nang libre sa tulong ng isang organisasyon.

Nalapnos ang mahigit tatlumpung porsyento ng katawan ni Baby "Chloe" nang masunog ang tinutulugan niyang kama dahil sa natumbang kandila.

Nagdikit-dikit ang parte ng kanyang kaliwang kamay at binti. Nasunog din ang kanyang anit at hindi maibuka nang maayos ang kaliwa niyang talukap.

Mahigit isang taon ding pinagtiyagaang pagalingin ng inang si Marites Dumapi ang sugat ni Chloe hanggang sa magmagandang-loob ang isang kaibigan at i-post sa Facebook ang litrato ng sanggol.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, nakarating ang kwento sa Mabuhay Shiners, isang grupo ng mga mason na ang adbokasiya ay tulungan ang mga mga batang nasunog ang balat gayundin ang mga lumpo.

Sa tulong ng international counterparts ng grupo, nakaalis si Dumapit at kanyang sanggol paputang Amerika kung saan sasailalim ang bata sa surgery para maibalik ang kanyang dating itsura.

Libre ang lahat ng kanilang gastusin mula sa operasyon hanggang pamasahe.

Laking pasalamat naman ng mga magulang ng bata lalo't sa paglalaba lang nakasalalay ang kanilang ikinabubuhay at hindi rin regular ang kita ng padre de pamilya bilang construction worker.

Umaasa ang mga magulang ni Chloe na maibabalik sa normal ang kanyang itsura at makapamuhay siya nang normal gaya ng ibang mga bata. -- Ulat ni Mika Navallo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.