DOH, may paalala ukol sa paglilibing ng yumao sa bakuran | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOH, may paalala ukol sa paglilibing ng yumao sa bakuran

ABS-CBN News
Published Oct 28, 2017 02:23 AM PHT
|
Updated Oct 28, 2017 08:19 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa ibang parte ng Cordillera, kasama ng mga buhay ang patay dahil nakasanayan na ang paglilibing sa bakuran.

Minsan, nagsisilbi pa umanong lamesa o laruan ng mga bata ang mga puntod.

Paliwanag ng isang propesor, maaaring dahilan dito ang "closed family ties" at ang pagpapahalaga ng mga Cordillerans sa kanilang lupain.

"Ang mga Cordillerans kasi, attached sila sa lupa. Kung saan sila pinanganak, saan sila lumaki, as much as possible doon sila ililibing," ani social studies professor David Camiwet.

ADVERTISEMENT
Ang iba, nasa loob pa mismo ng bahay ang puntod.

"Kung ang request nila ay doon sa kanilang bakuran o doon sa loob [ng bahay], out of respect, pinagbibigyan," dagdag ni Camiwet.

Pero ayon sa Department of Health (DOH), posibleng makaapekto sa kalusugan ang ganitong gawi.

"Andon ka sa bahay mo, malapit [ang bangkay]. Kung may mga germs or organisms na lalabas diyan, eh di maaapektuhan ka," saad ni Dr. Nora Ruiz, provincial health officer sa Benguet.

Payo ng DOH, kailangan ay naembalsamong mabuti ang patay at selyado ng semento ang puntod.

Anim na talampakan din dapat ang layo nito mula water source.

Kaya ang mga taga-Cordillera, maiging sinusunod ang ganitong payo mapalapit lang sa namayapang mga kaanak.

--Ulat ni Mae Cornes, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT