'Tao Po': Ilalim ng tulay nagsisilbing tahanan sa 10 pamilya | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po': Ilalim ng tulay nagsisilbing tahanan sa 10 pamilya

'Tao Po': Ilalim ng tulay nagsisilbing tahanan sa 10 pamilya

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa ilalim ng tulay sa bahaging ng Barangay Sta. Cruz, Quezon city nakatira ang pamilya ng 52 taong gulang na si Joey Reyes at ang asawa niya na si Grace.

Sa ngayong tila may isang komunidad na sa ilalim ng tulay na tinitirhan ng may sampung pamilya.

May asawa at sariling mga anak na rin ang anim sa walong anak ni Reyes. Marami sa kanila, ilalim ng tulay din ang tinatawag na tahanan.

Kwento niya, maraming beses na silang binaha at kung gaano raw kalakas ang pagbayo ng bagyo, siya ring tindi ng pagkabog ng dibdib niya, tulad na lang nang pananalasa ni Ondoy noong 2009 "maliliit pa mga anak ko noon. Akala ko nga yun na ang katapusan ng mundo natin kasi halos wala na talaga akong makita diyan na mga bahay. Lubog na lahat yan."

ADVERTISEMENT

Aminado ang padre de pamilya na wala siyang kakayahan kaya't magtitiis muna sa nararanasan pero nangangarap pa rin na makaranas ng magandang buhay. "Hanggang may buhay. Kasi wala naman akong kakayahan na… pero hindi rin nawawala sa isip ko yung mangarap ka sana umano rin yung buhay ko. Makaranas man lang ako ng yung nararansan ng mga magaganda ang buhay."

- Ulat ni Jeck Batallones para sa programang "Tao Po" (Hulyo 30, 2023)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.