Salamat kay 'Anonymous': Utang ng jeepney driver binayaran ng ayaw magpakilala | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Salamat kay 'Anonymous': Utang ng jeepney driver binayaran ng ayaw magpakilala

ABS-CBN News
Published Jul 13, 2020 11:07 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bukal sa loob na tinugunan ng isang taong hindi na nagpakilala pa ang mga daing ng isang pamilyang nahihirapan sa pang-araw-araw nilang pangangailangan dahil hindi makapasada ang tradisyunal na jeep.

Nagbigay ng P30,000 ang isang anonymous donor sa pamilya ni Marife Sicam na nabaon na sa utang dahil hindi sila makapagtrabaho ng kaniyang pamilya. Nagsisilbing jeepney dispatcher si Sicam habang driver ang asawa niya at anak.

"Salamat po kay 'Anonymous,'" nabanggit na lang ni Sicam nang maipaabot sa kanya ang tulong pinansiyal.

Bunsod ng ipinatupad na lockdown dahil sa coronavirus pandemic, napilay ang pinagkukuhanan ng kita ni Sicam at kanyang pamilya. Ang kanilang kuwento ay naitampok sa TV Patrol noong Hunyo 1, 2020.

ADVERTISEMENT
Dahil pili lamang ang mga rutang binuksan ng gobyerno para sa mga tradisyunal na jeep, hindi madali para sa mga jeepney driver na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Kabilang sa kanila ang pamilya ng jeepney dispatcher na si Marife Sicam at ang kaniyang asawa at anak na parehong mga jeep driver.

Upang maitawid ang gutom ng pamilya, nagtatalbos ng kamote si Sicam. Ngunit bukod sa kumakalam na sikmura, problema pa ng kanilang pamilya ang lumolobong utang sa renta ng bahay at maging sa tubig at kuryente na umabot na sa P18,500.

Isang kababayan na hindi na nagpakilala pa ang sumaklolo kay Sicam.

Ayon kay Sicam, kung papalarin na magkaroon ng puhunan ay magtatayo na lamang siya ng negosyo kung sakaling hindi sila makapasada muli.

Pinaghahandaan naman nila ang pagsasaayos ng kanilang jeep para makasunod sa health protocols kontra COVID-19. May ilan na nagbigay sa kanila ng materyales katulad ng plastic cover at plywood para sa gagawing divider sa upuan ng mga pasahero.

Ngunit apat na buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin sila makabiyahe dahil hindi sila nakasama sa piling ruta na binigyang pahintulot ng gobyerno.

Read More:
anonymous
public service
helping
pagtulong
bayanihan
jeepney driver
Marife Sicam
pasada
jeep
jeepney dispatcher
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT