Higit 50 imahen ng Birheng Maria tampok sa exhibit sa Sampaloc | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 50 imahen ng Birheng Maria tampok sa exhibit sa Sampaloc

Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Apr 25, 2023 07:18 AM PHT
|
Updated Apr 25, 2023 07:22 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Kasabay ng nalalapit na kapistahan ng Ina ng Rosaryo ng Manaoag, tampok dito sa Our Lady of Manaoag Chapel sa Sampaloc, Maynila ang iba’t ibang imahen ng Birhen.

Ang mga imahen na ito ay galing sa iba’t ibang simbahan tulad ng Our Lady of Lourdes, Our Lady of Fatima, at Our Lady of Montserrat. Karamihan naman dito ay pagmamay-ari ng mga camarero o yung mga nangangalaga sa mga sagradong imahen na nananampalataya sa Mahal na Birhen.

Layunin ng exhibit na ito na maipakilala ang iba’t ibang titulo ng Birheng Maria at mailapit ang puso ng bawat isa sa Ina ni Hesus.

Nakilala naman natin ang ilang nasa likod nito na tumugon sa “pagtawag” ng Our Lady of Manaoag.

ADVERTISEMENT
Bukas ay magkakaroon dito ng banal na misa sa ganap na alas sais ng gabi na pangungunahan ni Auxiliary Bishop Nolly Buco ng Diocese of Antipolo.

Susundan naman ito ng isang maringal na "Grand Marian Procession" kung saan ipaparada ang 35 imahen ng Mahal na Birhen.

Iniimbitahan ang lahat ng mga deboto na makiisa sa kapistahan at maaari ninyong bisitahan sa kapilya hanggang mamayang alas 10 ng gabi.