Kuya Kim bibisita sa nakagawiang Holy Week beach

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2019 05:36 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sa Semana Santa, babalikan ni "Sakto" host Kim Atienza ang nakagawian nilang pagbabakasyon sa Boracay kasama ang pamilya ngayong na-rehabilitate na ang isla.

Kuwento ni Atienza, nagpupunta ang kanilang pamilya sa Boracay tuwing Semana Santa noong bagong kasal sila ng kaniyang asawa.

Ngunit makalipas ng ilang taon ay itinigil nila ang pagbabakasyon dito dahil naging magulo umano at maingay sa isla.

"Ang gusto namin makita (ngayong taon) ay ang pagbabago ng Boracay," ani Atienza.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.