Julius Babao nagpipinta tuwing Biyernes Santo

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2019 05:41 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ibinahagi ng news anchor na si Julius Babao ang kaniyang nakaugaliang gawin tuwing Biyernes Santo bilang paggunita sa "paghihirap" ni Hesukristo.

Ayon kay Babao, mula pa noong 2000 ay ipinipinta niya ang mukha ni Hesus pagsapit ng alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon ng Biyernes Santo.

"Ang pinaka-peak ng aking panata ngayong Holy Week is every Good Friday, nagpe-paint ako ng face ni Jesus Christ from 12 noon until 3 p.m. during the time na siya ay sumasailalim sa paghihirap," sabi ni Babao.

"Hindi ko ginagawang obra itong mga painting na ito kasi alam ko na limited lang 'yong oras but I do my best within 3 hours to paint 'yong face," dagdag niya.

Kapuna-puna raw na iba-iba ang hitsura ng kaniyang mga likha na tila iba-ibang tao ang nagpinta ng mga ito.

"Hindi consistent 'yong style ko," ani Babao.

Hindi raw pinaghahandaan ni Babao ang pagpinta.

"Basta pag-upo ko, paint agad ako, kung ano lumabas doon, 'yon na 'yong finished product," ani Babao.

"It's a part of my sacrifice and my offering," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.