Ano ang 'permanent foundation' para sa mukha?

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2018 08:22 PM | Updated as of Aug 21 2018 07:06 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Tinalakay sa programang "Ma-Beauty Po Naman" ni Cory Quirino sa DZMM ang ilang nauusong pampaganda ng mukha.

Ayon kay Dr. Cecil Catapang, isang eksperto sa aesthetic and rejuvenation medicine, bukod sa microblading na nag-aayos ng kilay, mayroon na ring permanent lipstick at foundation para sa mga nais ng ganitong medical procedure.

Paliwanag ni Catapang, sa pamamagitan ng ganitong medical procedure, hindi na kakailanganing mag-apply paulit-ulit araw-araw ng makeup.

"Mayroong procedure, tapos ipapahid 'yong foundation, tapos gagawin ulit 'yong procedure... siguro mga three times gagawin 'yon, tapos permanent siyang para kang naka-foundation, nag-go-glow 'yong skin for about a month," ani Catapang.

Ayon pa sa doktor, kahit maghilamos ay hindi maaalis ang ganitong klase ng foundation.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.