'Tawag' Grand Finals: Mga hurado bumilib sa 'flawless voice' ni Ato Arman

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2018 01:27 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ikalawang nagtanghal sa "Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan" nitong Sabado ang resbaker na si Ato Arman mula Bukidnon.

Ang Firehouse hit na "I Live My Life" for You ang napiling bigyan ng rendisyon ni Arman.

Matapos ang kaniyang performance, hindi mapigilan ng huradong si Rico J. Puno na tawaging "flawless" ang kaniyang boses.

"Ang boses mo flawless. Walang garalgal, walang sayad," ani Puno.

Maging si hurado Erik Santos, sinabing "on point" ang pagkanta ng pambato ng Mindanao. 

"Grabe nagliliyab ka talaga. Everything is on point, everything is precise," ayon kay Santos.

Mapapanood ang "Tawag ng Tanghalan: Ang Huluing Tapatan" live sa YouTube channel ng "It's Showtime." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.