Shalani wedding to solon 'downgraded' due to 'Sendong'

Posted at Jan 03 2012 11:00 PM | Updated as of Jan 04 2012 07:00 AM

Binabansagang “wedding of 2012” ang kasalang Shalani Soledad at Pasig Congressman Roman Romulo.

Pero ayon kay Romulo, magiging simple at pribado ang kasal nila ng fiancee na gagawin sa St. Benedict Church Silang, Cavite sa January 22.

Ito'y bilang pagsaalang-alang na rin umano sa sensibilidad ng bansa, matapos ng trahedya sa Northern Mindanao.

Sa unang kita pa lang nina Roman at Shalani sa simbahan ng St. Benedict dito sa Silang, Cavite, kaagad silang na-in love sa venue at binook agad ang kanilang wedding sa Jan. 22.

Pero mahigpit na tagubilin ng mga taga-simbahan, dapat maging banal at tahimik ang pagdaos ng binansagang “wedding of the year.”

Nagkataong deboto ang pamilya Romulo ni St. Benedict na patron saint laban sa lahat ng kasamaan.

Nais panatilihin ng church volunteers ang lugar sa inaasahang pagdagsa ng media.

Napiling gumawa ng trahe de boda ng konsehala ang kilalang designer na si Inno Sotto.

Simple ang wedding dress, gawa sa lace, walang burda o borloloy.

Ang mga suwerte raw na kulay ngayong taon na green at lavender ang motiff ng wedding.

Giit din ni Romulo, walang exklusibong media coverage.

Nag-cost cutting sina Shalani at Roman sa sariling wedding para ibahagi ang budget nila sa mga nasalanta sa Northern Mindanao.

Kabilang naman sa sponsors sina Senador Ping Lacson na naging boss ni Shalani nu’ng siya’y nagtrabaho sa Senado, Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, dating Congresswoman Cynthia Villar at telecom magnate Manny Pangilinan.

Pinagpaplanuhan pa kung tuloy ang honeymoon ng dalawa sa Roma.

May hiwalay ding wedding reception na pinaplano para sa mga constituents ng dalawa sa Pasig at Valenzuela.