Sasakyan, mahigit 10 oras humarang sa gitna ng kalsada | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sasakyan, mahigit 10 oras humarang sa gitna ng kalsada

ABS-CBN News
Published Sep 15, 2017 01:14 AM PHT
|
Updated Sep 15, 2017 02:21 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagdulot ng matinding trapiko ang pagmamatigas ng isang motorista na bumaba sa kaniyang sasakyan matapos sitahin ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa batas trapikosa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Miyerkoles Setyembre 13.

Ayon sa traffic enforcer, nag-counterflow sa one-way lane ang SUV ng lalaki kaya siya sinita.

Pero sa halip na huminto, humarurot pa umano ang driver at muntik pang makasagasa ng isang enforcer.

Kinatok at kinausap siya ng mga rumespondeng pulis para lumabas.
Kinatok at kinausap siya ng mga rumespondeng pulis para lumabas.
ADVERTISEMENT
Pero pinaatras niya ang sasakyan, kaya hinarangan na ng mga awtoridad ng bato ang sasakyan, pinagitnaan ng patrol car, at pinasingaw ang hangin sa gulong.

Inakala pa nilang Koreano ang driver kaya humingi sila ng tulong sa Korean Embassy.

May mga nagsulat din sa papel para himukin siyang magbukas ng bintana sakaling hindi siya nakaiintindi ng Cebuano.

Hanggang sa ginamitan pa siya ng megaphone.

Bandang ala-7 ng gabi ay ginamitan na ng screw driver ang sasakyan upang mabuksan ito.
Bandang ala-7 ng gabi ay ginamitan na ng screw driver ang sasakyan upang mabuksan ito.
ADVERTISEMENT
Tulala at wala sa sarili nang mailabas ang driver.
Kinalaunan, tinawagan na ng mga awtoridad ang isang car company sa Davao at nakilala ang may-ari na si Manuel Guinez na taga-Davao Oriental.

Ayon sa lalaki, takot siyang maibalik ulit sa rehabilitation center sa Davao City kaya siya nagkulong sa kaniyang kotse.

Pero nilinaw ni Guinez na hindi siya drug addict at dalawang linggo na siyang naninirahan sa Cebu.

Ayon naman sa pulis, ilang araw nang pinaghahahanap ng kaniyang pamilya ang lalaking nagpaalam lang daw na mamamasyal sa Cebu, pero hindi na nakauwi.

Nahaharap si Guinez sa patong-patong na reklamo dahil sa insidente.
Nahaharap si Guinez sa patong-patong na reklamo dahil sa insidente.
ADVERTISEMENT
Samantala, sa Davao City, sinagip naman ng rescuers ang isang lalaking apat na oras na nakatulog sa loob ng isang kotse ng kaniyang kaibigan.

Ilang beses nang inalog ang sasakyan upang magising ang lalaki pero tila walang nangyari.

Hanggang sa napilitan nang basagin ang salamin ng kotse at nalaman na lasing pala ang lalaki.

Nangako naman siyang ipaaayos ang nasirang bintana ng kotse.

-- Ulat ni Aiza Layague, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT