TINGNAN: Lalaki nagpa-tattoo ng mga ABS-CBN program sa mukha at ulo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Lalaki nagpa-tattoo ng mga ABS-CBN program sa mukha at ulo

TINGNAN: Lalaki nagpa-tattoo ng mga ABS-CBN program sa mukha at ulo

ABS-CBN News

 | 

Updated May 08, 2020 12:26 PM PHT

Clipboard

TINGNAN: Lalaki nagpa-tattoo ng mga ABS-CBN program sa mukha at ulo
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kabilang ang isang lalaki mula Legazpi, Albay na nagpa-tattoo ng kaniyang mga paboritong ABS-CBN programs sa mukha at ulo sa mga nalungkot sa hindi pag-ere ng Kapamilya network.

Ang pinakaunang pina-tattoo ni Caloy Pasahol ay ang logo ng ABS-CBN sa kaniyang kanang pisngi. Sa kalaunan, dinagdagan niya ito ng mga nagugustuhan niyang palabas.

Mula pagkabata niya hanggang ngayong siya ay senior citizen na, fan talaga si Pasahol ng Kapamilya network. Kaya apektado raw sya simula nang hindi na umeere ang Dos.

"Sobrang galit ko Ma'am. Sabi ko wala na. Wala na tayong papanoorin, sabi ng mga anak ko. Ginawa ko sa labas na lang ako tatambay. Wala nang libangan kami, kasi 'yung sinusubaybayan namin mga drama," aniya.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya, sinasabihan siya ng mga kapitbahay na tanggalin na ang mga tattoo niya sa ulo dahil wala naman sa ngayon ang ABS-CBN.

"Sabi ko ba't ko tatanggalin eh idol ko yan."

Aniya, kapag nakabalik na sa himpapawid ang Kapamilya channel, magpapa-tattoo siya ulit lalo't may espasyo pa naman daw sa kaniyang ulo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.