Pagkain at inumin sa iisang lalagyan, patok na negosyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkain at inumin sa iisang lalagyan, patok na negosyo

Pagkain at inumin sa iisang lalagyan, patok na negosyo

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

All-time favorite ng mga Pinoy ang street food pero nitong mga nakaraang taon, pumatok rin ang pagkain at inumin na nasa isang lalagyan lang.

Isa sa mga nagbigay-ingay sa pakulong ito ang dating medical representative na si Noel Andres. Nang magdesisyong magnegosyo, ito ang konsepto na kanyang sinimulan katuwang ang asawa na si Loren.

Gamit ang puhunang inutang mula sa mga magulang, nagbukas sila ng tatlong food carts na hindi nila inakalang kakagatin ng masa.

"So, noong nagsimula kami, hindi namin alam na we were building products, we were building a brand." ani Noel sa My Puhunan.

ADVERTISEMENT

Bida sa kanilang negosyo ang tinaguriang "fries and drinks in one cup" na on-the-go na makakain saan ka man magpunta. Kalaunan, unti-unti silang nag-evolve at nagsama na rin ng iba't ibang pagkain gaya ng chips at nachos.

Mula sa tatlo nilang food carts noon, humigit-kumulang na sa dalawang daan ang mga puwesto nila ngayon sa buong Pilipinas. Lahat ng ito, utang na loob niya sa kanyang masisipag at determinadong franchisees.

Ang kainan nilang madalas makita sa kalsada, nasa mga malls na rin.

Bagamat kilala na ang kanilang produkto, pinahahalagahan ni Noel ang innovation sa negosyo.

"We continuously innovate and evolve through time kasi alam mo naman sa food, it's very competitive. Kung alam mo ang pangangailangan ng isang tao, doon ka papasok."

Sundan ang My Puhunan online:
Microsite: news.abs-cbn.com/MyPuhunan
Facebook: www.facebook.com/MyPuhunan
Twitter: www.instagram.com/MyPuhunan
Instagram: www.instagram.com/mypuhunantv

Panoorin ang My Puhunan online:
www.IWANTV.com.ph (within PH)
www.TFC.tv (outside PH)
www.youtube.com/abscbnnews (episode highlight)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.