Presyo ng karneng baboy bumaba; halaga ng manok maatas pa rin | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng karneng baboy bumaba; halaga ng manok maatas pa rin

Presyo ng karneng baboy bumaba; halaga ng manok maatas pa rin

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Nasa P20 ang ibinaba ng presyo kada kilo ng karneng baboy, ayon sa mga nagtitinda sa Marikina Public Market.

Kaya ang dating P320 na pige, pork chop at kasim nasa P300 na lang.

Ang spare ribs nasa P320 na lang, galing sa P340 hangang P369 noong nakaraang mga araw.

Ayon sa mga nagtitinda, magtatatlong araw na ring mababa ang presyo ng karneng baboy.

ADVERTISEMENT

Wala naman daw na problema sa supply nito na karamihan galing sa General Santos City.

Pero kung may pagbaba sa presyo ng baboy ang manok mahal nang bentahan.

Sa Marikina Public Market, hindi naman kulang an supply ng manok pero nasa P195 ang buo kada kilo na dating nasa P160 lamang.

Ang choice cut nasa P201 mula sa P180 kada kilo.

Kaya naman ang mga may karinderya, nagtaas na rin sa presyo ng ulam.

Ang fried chicken na dating P50 ang piraso ngayon nasa P60 hangang P70 na ang kada piraso depende sa laki.

Bukod kasi sa mahal ang manok pati ang mantika na pamprito, malaki rin ang dagdag sa presyo.

Umaasa ang mga nagtitinda magtuloy tuloy na ang pagbaba ng presyo ng karneng baboy lalo't inaasahan na nila na pagmalapit na ang Disyembre magsisimula na namanng tumaas ang presyo nito.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.