Nasirang tubo ng Manila Water nagdulot ng water interruption, mabigat na traffic | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasirang tubo ng Manila Water nagdulot ng water interruption, mabigat na traffic

Nasirang tubo ng Manila Water nagdulot ng water interruption, mabigat na traffic

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 12, 2021 01:42 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA (UPDATE) - Mahigit kalahating araw nang tumatagas ang tubig mula sa tubo ng Manila Water sa northbound lane ng EDSA Boni/Pioneer sa Mandaluyong City matapos itong tamaan ng drill equipment ng contractor ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA Metrobase, naiulat sa kanila ang pagtagas alas-9:56 gabi ng Linggo.

Kinumpirma ni MMDA spokesperson Celine Pialago na nagsasagawa ng installation ng closed circuit television (CCTV) sa lugar ang kanilang third-party contractor na Awin Construction.

Water flows out from a busted pipe along EDSA- Pioneer in Mandaluyong on April 12, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Dahil dito, naputulan ng supply ng tubig ang mahigit 30 barangay sa Mandaluyong City, Pasig City, San Juan City, at Quezon City, ayon kay Jeric Sevilla, tagapagsalita ng Manila Water.

ADVERTISEMENT

Bandang alas-9 ng umaga ngayong Lunes, wala pa ring tubig ang mga sumusunod na lugar: Buayang Bato, Wack-wack, Highway Hills, at Barangka Ilaya sa Mandaluyong; Bagong Ilog, ilang bahagi ng Kapitolyo, Oranbo, San Antonio, at Valle Verde 1 at 4 sa Ugong, Pasig; at Ugong Norte (Arcadia) sa Quezon City.

Unang tinayang matatapos ang pagkumpuni sa tubo ng alas-6 ng umaga ng Lunes. Pero sabi ng water concessionaire, aabot na ito ng hanggang alas-5 ng hapon.

Apektado ang serbisyo ng kompanya sa mga sumusunod na lugar:

MANDALUYONG CITY:

  • Barangka Drive
  • Barangka Ibaba
  • Parts of Barangka Itaas
  • Barangka Ilaya
  • Buayang Bato
  • Parts of Hagdang Bato Libis
  • Hulo
  • Malamig
  • Mauway
  • Plainview
  • Pleasant Hills
  • San Jose
  • Wack-wack
  • Highway Hills

PASIG CITY:

  • Bagong Ilog (except Kawilihan Village)
  • Parts of Kapitolyo
  • Oranbo
  • San Antonio
  • Ugong

QUEZON CITY:

  • Parts of Kaunlaran
  • Bagong Lipunan ng Crame
  • Valencia
  • Ugong Norte

Sa huling update ng MMDA alas-8 ng umaga, pansamantalang nakumpuni ang tubo at nabuksan na ang linya ng tubig bagama’t may kaunting tagas pa.

Sabi ng MMDA, posibleng abutin ang pag-aayos ng gabi.

ADVERTISEMENT

Nag-abiso ang MMDA sa mga motoristang bumibiyahe ng EDSA northbound na maghanap muna ng ibang ruta katulad ng C5 dahil sa matinding traffic.

Umabot ang pila ng mga sasakyan mula EDSA Pioneer hanggang sa Kalayaan Avenue kaninang alas-7 ng umaga; pagsapit ng alas-8, hanggang sa pag-akayat ng EDSA Magallanes na; at pasado alas-9, hanggang EDSA Pasay.

Dalawang lane lang kasi ang madadaanan ng mga sasakyan dahil sa pwesto ng mga equipment.

Pero pagkalagpas ng EDSA Pioneer, light to moderate na ang traffic.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.