PatrolPH

ALAMIN: Presyo ng sibuyas at iba pang gulay sa pamilihan

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2023 12:52 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Mula sa P600 noong nakaraang linggo, ngayon nasa P480 ang kilo ng sibuyas sa Mega Q Mart sa Quezon City.

Kahapon bumaba ang presyo ayon sa mga nagtitinda.

May puting sibuyas na rin na nasa 480 peso din ang kilo.

Sa mga nagtitipid sa sibuyas, alternatibo nila ang tinatawag na lasona na nasa P200 ang kilo. Ang lasona ang native na sibuyas na may kasama pang dahon.

Pwedeng bumili rin ng isang tali lang na nasa P20 lang.

Narito naman ang presyo kada kilo ng iba pang gulay sa pamilihan: 
 
Kamatis-P80
Talong-P140
Ampalaya-P150
Okra-P160
Sitaw-P150
Carrots-P80
Repolyo-P80
Patatas-P140
Siling labuyo-P250
Bawang-P100

Inaasahan na mas baba ang presyo ng sibuyas sa pagpasok ng anihan ngayong buwan.

Wala namang pagalaw sa presyo ng itlog--ang pinakamaliit ay nasa P8, at ang pinakamalaki ay nasa P10. 

--TeleRadyo, 10 Enero 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.