Jeepney driver sa Cebu, naging Santa Claus sa pagbigay ng libreng sakay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Trending

Jeepney driver sa Cebu, naging Santa Claus sa pagbigay ng libreng sakay

Jeepney driver sa Cebu, naging Santa Claus sa pagbigay ng libreng sakay

Joworski Alipon,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 28, 2018 09:15 PM PHT

Clipboard

Isang jeepney driver sa lungsod ng Naga, Cebu ang hinangaan ng mga netizen matapos magbigay ng libreng sakay noong araw ng Pasko.

Ayon sa 74-anyos na tsuper na si Virgilio Barangan, 2004 pa nang simulan niya ang pag-alok ng libreng sakay sa unang round trip tuwing sasapit ang Disyembre 25.

"Mura ba kung di nako mabuhat bitaw (Kung hindi ko siya magagawa), murag I'll missed something," aniya.

Dagdag ni Barangan, regalo niya sa sarili ang makitang nasisiyahan ang kaniyang mga pasahero.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Facebook post ni Prudence Enerlan, agad siyang binati ng, "Good morning and merry Christmas ni Barangan" pagkasakay ng jeep.

Ikinatuwa ito ni Enerlan pero mas napabilib siya nang tanggihan niya ang pamasahe ng isa pang pasahero sabay sabing, "All my passenger are free of fare. That's my little Christmas gift."

Bata pa lamang ay natuto na si Baranagan na magbanat ng buto para sa kaniyang pag-aaral.

Hindi man niya natapos ang kursong mechanical engineering ay may malaking oportunidad naman ang dumating sa kaniya. Dahil sa kaniyang sipag ay nakapagtrabaho siya bilang isang purchasing officer sa isang pribadong kompanya.

Matapos iwan ni Baranagan ang trabaho ay nagsimula na siyang mamasada ng jeep.

Marami man ang nagtatanong kung bakit napili niyang mag-drive ng jeep, ayon kay Barangan dito siya masaya at marangal itong trabaho.

Umani na ng higit 96,000 reactions ang Facebook post at 21,000 shares.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.