VIRAL: Mga OFW na nagbigay ng pagkain sa 'ikinulong' na OFW | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Mga OFW na nagbigay ng pagkain sa 'ikinulong' na OFW

VIRAL: Mga OFW na nagbigay ng pagkain sa 'ikinulong' na OFW

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-viral sa social media ang video ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nagpapaabot ng pagkain at tulong sa kapwa nila OFW na sinasabing ikinulong ng kaniyang amo sa loob ng bahay sa Kuwait.

Sa video, mapapanood na gumamit ng plastik at kawad ng kuryente ang mga Pilipino para maipaabot ang pagkain, cellphone, at pocket wifi sa isang kapwa OFW -- isang kasamahang domestic worker -- na nasa mas mababang bahagi ng kinaroroonan nilang building.

Ikinulong umano sa loob ng pinagtatrabahuhan nilang bahay sa Salwa, Kuwait ang tinutulungang OFW, ayon sa Bayan Patroller na isa sa mga tumulong sa OFW.

Isang gusali raw ang pinagtatrabahuhan nila, at nag-alala sila noong hindi pinaakyat sa kanilang kuwarto ang isa nilang kasamahan.

ADVERTISEMENT

"Ang sabi niya baka hindi na raw siya palabasin. Hanggang sa pagkabukas, hindi nga siya pinalabas," kuwento ng Bayan Patroller.

Dagdag ng Bayan Patroller, tatlong taon nang nagtatrabaho sa Kuwait ang kanilang kaibigan. Apat na buwan na rin daw itong hindi sumusuweldo.

Kaya kahit delikado, naisip nilang abutan ng tulong ang kanilang kaibigan na labis na umano ang pagkagutom dahil sa pagkakakulong sa loob umano ng dalawang araw.

"Binigyan lang namin siya ng pagkain kasi noong nandoon na siya sa loob, tinago na po daw lahat ng pagkain kaya hindi siya makakain."

PINAUWI NA PERO AMO, PANANAGUTIN PA

Pinauwi na sa Pilipinas ng kaniyang amo ang ikinulong na OFW pero isang buwang suweldo lang ang ibinigay dito, ayon sa Bayan Patroller.

ADVERTISEMENT

Sa suweldo raw kasi ng ikinulong na OFW kinuha ang pambili ng tiket at pagproseso ng pasaporte.

Ayon naman kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director V Arnel Ignacio, ang employer ang dapat sumagot ng tiket para makauwi ang OFW.

"'Papatawag natin 'yong agency na nagpadala sa kaniya doon at kailangan i-settle nila 'yon, kung ano 'yong sahod na hindi niya nakuha," sabi ni Ignacio.

Makikipag-ugnayan din ang OWWA sa International Labor Affairs Bureau at Philippine Overseas Employment Administration para sa pananagutan ng employer sa sinapit ng OFW.

--Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.