VIRAL: Ama, patay matapos maltratuhin umano ng pulis; 'Bato' nagpaliwanag | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Ama, patay matapos maltratuhin umano ng pulis; 'Bato' nagpaliwanag

ABS-CBN News
Published Oct 06, 2017 04:38 PM PHT
|
Updated Oct 06, 2017 05:56 PM PHT

Inulan ng batikos sa social media ang pulisya sa Zamboanga City matapos na mag-viral ang mga litrato ng kanilang pag-aresto sa isang lalaki, na kalaunan ay napabalitang namatay.

Sa larawan na ibinahagi ng netizen na si Rosherl Taburnal Lumpapac sa Facebook, makikitang tila naging marahas ang pagaresto ng mga pulis noong Setyembre 30 sa lalaking naka-pulang t-shirt na kinilalang si Eduardo Serino Sr.

Sabi ni Lumpapac, nasa Zamboanga City si Serino para maghatid ng pera para sa na-ospital na anak. Taga Lintangan, Sibuco, Zamboanga del Norte nakatira ang pamilya ni Serino. Nagbantay din ito ng ilang araw sa ospital. Ayon umano sa asawa ni Lumpapac na dati na niyang naging kasambahay, pauwi na sana si Serino para matulog at maghanap ng pera pandagdag sa pambayad sa ospital nang maligaw at napadpad sa RT Lim Boulevard kung saan siya nasita ng pulis.

Nagpupumilit umano si Serino na makapasok sa lugar kung saan may festival pero ayaw nitong ipakita ang kanyang bag sa mga pulis na nakatalaga doon. Laman lamang daw ng bag ay kanyang mga gamit ay ID ng 4Ps.

Hustisya ang hinihingi ni Lumpapac sa pagkamatay ni Serino na kanyang isinalarawan bilang isang "responsableng ama, tahimik, mahiyain, matulungin at napakabait na tao."

Umabot na ng mahigit sa 41,000 shares ang post ni Lumpapac sa Facebook. Higit naman sa 20,000 ang mga nag-iwan ng kanilang komento hinggil dito.

PALIWANAG NG PULISYA
Iba naman ang kuwento ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa.

“Yung father wala sa tamang paggiisip, pumasok sa area, Nagpumilit, hinarang ng pulis, napigilan,” sabi ni Dela Rosa.

Sa report ng Zamboanga City Police Office, tumakbo umano si Serino sa exit area na para sa mga babae pero nang pagsabihan ng pulis na lumabas, nagtangka pa siyang manaksak gamit ang barbecue stick. Dito na rumesponde ang iba pang mga pulis para tuluyan siyang pigilan.

Sa sobrang lakas ni Serino, kinailangan umano ng 5 hanggang 8 pulis para lamang mapigilan siya.

“Nung dinala sa police station yung tao, doon lang sa reception desk, ang ginawa niya pinagtatanggal yung switch ng kuryente, pinasok kamay para makuryente, binunggo niya ulo niya sa wall, nanghina, dinala sa ospital, doon namatay,” kuwento ni Dela Rosa.

Ilang beses umanong natanggal ni Serino ang kanyang posas at nakipagbuno sa mga pulis. Sa isang pagkakataong nakapiglas ito, pinagtatanggal umano niya ang mga live wire. Sinaktan din umano niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsampal sa mukha at pag-umpog ng ulo sa pader.

"He grabbed and pushed the iron flower stand to the police officers however said vase instead collapsed towards him causing fatal injuries," ayon sa report ng pulisya.

Isinugod siya sa Zamboanga City Medical Center pero binawian din ng buhay habang ginagamot.
Isinugod siya sa Zamboanga City Medical Center pero binawian din ng buhay habang ginagamot.
ADVERTISEMENT
Sinusubukan ng ABS-CBN News na makapanayam ang pamilya ni Serino sa Zamboanga del Norte.