Ginang sa Puerto Princesa nagbebenta ng tapa para sa kaniyang dialysis | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ginang sa Puerto Princesa nagbebenta ng tapa para sa kaniyang dialysis

Lynette Dela Cruz,
ABS-CBN News
Published Aug 27, 2018 08:05 PM PHT

PUERTO PRINCESA CITY - Viral sa social media ngayon ang post ng isang babae tungkol sa kaniyang inang nagluluto at nagbebenta ng tapa pangtustos sa kaniyang dialysis.

Ipinost ni Arielle Enriquez sa Facebook ang larawan ng kaniyang inang nakatulog sa mesa, kasama ang mga lalagyan ng tapang kanilang ibinebenta.

Sa kaniyang post, ibinahagi ni Arielle ang pinagdaraanan ng kaniyang inang si Ma. Joyce, na may diabetes at hypertension.

Ayon kay Joyce, 2016 pa umano siya unang sinabihan ng doktor na magpa-dialysis dahil may komplikasyon na sa kidney niya, ngunit natakot umano siya noon.

Taong 2017 nang malaman niyang buntis siya kaya hindi pa rin nito itinuloy ang dialysis.

"Hindi pa rin ako pumayag na magpa-dialysis. Kasi pinipilit nila ako. Kasi nga, buntis ako. So, natatakot na mawala 'yung baby," ani Joyce, na may apat na anak.

Ilang buwan matapos isilang ang kaniyang bunsong anak, nabulag ang isang mata ni Joyce. Enero nitong taon niya sinimulan ang dialysis.

Dalawang beses isang linggo ang dialysis ni Joyce. Sa ngayon, suportado pa ng PhilHealth ang kaniyang pagpapagamot, ngunit magtatapos na ang suportang ito pagdating ng Oktubre.

Ito ngayon ang pinaghahandaan ng pamilya ni Joyce, lalo na't halos wala na ring natitira sa suweldo niya dahil sa kaniyang mga loan.

Bukod sa pagpapa-dialysis, isa sa mga maaring maging solusyon sa kalagayan ni Joyce ay ang kidney transplant.

Handa naman umano si Arielle na i-donate ang kaniyang kidney para sa ina, pero kailangan ring pag-ipunan ang magiging operasyon dahil maaring umabot ng milyon ang kakailanganing bayad dito.

"Kung hindi rin papalitan 'yung kidney niya eh paulit-ulit lang 'yung mangyayari sa kaniya which is ang hirap makita siya na… 'Yung nanay mo paulit-ulit na dinaranasan 'yung bagay na siguro may lunas pa naman. Sana. Sana na lang. So, sana lang pumayag 'yung mga doktor na makakausap namin soon," ani Arielle.

Sa pamamagitan ng pagluluto ng tapa at buttercake, umaasa ang pamilya na makakaipon sila para sa pagpapagamot ni Joyce.

Laking pasasalamat rin ni Arielle sa mga nakapansin sa kaniyang post at sa mga patuloy na tumatangkilik sa kanilang mga produkto.

"Actually nakakatuwa po kasi maraming naiintindihan, hindi man makatulong financially. Okay lang po sa’min kasi prayers eh malaking tulong na 'yun. Actually kahit pagbili ng tapa, 'yung matikman lang nila 'yung pinaghirapan ng mama ko is more than enough," aniya.

Hangad rin ng pamilya na maging inspirasyon ang kanilang kuwento sa iba na may katulad na sitwasyon.

"Hindi lang sa dialysis patients, sa lahat ng may sakit na huwag po tayong mawawalan ng pag-asa. Kasi mayroon pa tayong puwedeng gawin. Hangga’t malakas tayo, huwag nating sayangin 'yung lakas natin," ani Arielle.

"Hangga’t may puwede tayong gawing paraan, gawin natin. Kailangan kasi laging buo 'yung loob natin. Dapat lagi po tayong positive. Kasi kung magiging negative tayo, hindi makakatulong. And kailangan po laging may kasamang prayers," ani Joyce.