Tapat na drayber, isinauli ang P22,000 na naiwan ng pasahero | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tapat na drayber, isinauli ang P22,000 na naiwan ng pasahero

Tapat na drayber, isinauli ang P22,000 na naiwan ng pasahero

Grace Alba,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 06, 2018 06:35 PM PHT

Clipboard

Pinupuri ngayon sa social media ang isang drayber ng traysikel matapos isauli ang pera ng kaniyang pasahero sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Marami ang namangha sa ginawa ni Dennis Alipio, 35-anyos, matapos ipost ang ginawang kabutihan sa Facebook.

Kuwento ni Alipio, naiwan ni Wagner Valdez ang kaniyang wallet sa traysikel nitong Biyernes.

May laman na sim card holder at P22,000 ang wallet.

ADVERTISEMENT

Tinawagan agad ni Alipio ang numero na nakalagay sa sim card holder.

Matapos niyang makausap si Valdez, nagkita sila kung saan isinauli niya ang wallet.

Laking pasalamat ni Valdez dahil ang pera ay nakalaan para sa gastusin ng kaniyang pamilya at pagpo-proseso ng passport.

Sa tuwa at pasasalamat ni Valdez, ipinost niya ito sa social media na umani ng libo-libong likes at shares.

Aminado si Alipio na nangangailan siya ng pera lalo na’t nagpapagamot ang kaniyang amang na-stroke.

ADVERTISEMENT

Gusto rin ng kaniyang asawa na mag-apply abroad dahil kare-resign lang nito sa trabaho bilang merchandiser sa isang supermarket.

Ang pamamasada ng traysikel ang tanging bumubuhay ngayon sa pamilya ni Alipio. May dalawa itong anak na nasa kindergarten at grade 5.

Pero hindi pa rin ito nagdalawang isip na kunin at gastusin ang perang napulot.

"Sana may mas marami pang kapalit itong grasya. Kasi kung kukunin ko ito na hindi sa akin at hindi ko pinaghirapan, mas malaki ang karma," aniya.

Pinarangalan na si Alipio ng kaniyang asosasyon ng mga drayber ng traysikel at operators dahil sa pagiging tapat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.