Pet cemetery, itinayo sa Samal Island | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pet cemetery, itinayo sa Samal Island

Pet cemetery, itinayo sa Samal Island

Bonna Pamplona,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa isang ektaryang lupain sa Barangay Tagdaliao sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte, nakatayo ang sementeryo para sa mga hayop na ipinagawa ng Japan Davao Friendship Association.

Layunin ni Junichi Takatsu, ang chief executive director ng asosasyon, na maging instrumento ang sementeryo para dayuhin ng mga Japanese national ang unang pet cemetery sa Mindanao.

Aminado si Takatsu na maraming Japanese national ang takot na pumunta at bumisita sa Davao City o sa Mindanao, kaya't naisipan niya at ng kaibigan na si Kazunari Komura na maiba ang pananaw ng ibang Japanese national sa Davao at Mindanao.

“We founded here, it's not expensive for Japanese people so this can be kind of encouragement to people in Japan to come to Davao and also to Samal," ani Takatsu.

ADVERTISEMENT

Walong libong hayop ang pwedeng ilibing sa sementeryo. Ang bawat puntod ay may sukat na 40x70 square meters. Dito ililibing ang na-cremate na katawan ng alagang hayop.

Sa lapida naman makikita ang larawan at pangalan ng mga alagang hayop pati na rin ang pangalan ng may-ari nito.

Para naman sa mga pet owner na walang sapat na budget, may common grave area din ang sementeryo kung saan pwedeng mailibing ang katawan mismo ng alagang hayop pero kinakailangang huhukayin tuwing dalawang taon.

"Meron kaming options na hindi makabili ng lot. Later on kukunin namin siya after ma-decay na after two years, ilagay namin sa common graveyard na," paliwanag ni Delia Capuyan, ang presidente ng Samal Island Heaven Valley Corporation.

Masaya naman ang lokal na pamahalaan ng Samal Island na napili ng magkaibigang Takatsu at Komura ang isla.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na makakatulong ito sa turismo ng isla.

"Of course the pet cemetery parang it's a new concept and a new attraction to our visitors especially to the Japanese," ani Dayjean Carriaga tourism officer ng isla.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.