Lalaki naglakad ng 42 kilometro para sa asawang may brain tumor | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki naglakad ng 42 kilometro para sa asawang may brain tumor

Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Jan 25, 2019 07:48 PM PHT
|
Updated Jan 28, 2019 09:16 PM PHT

NAGA CITY - Nag-viral sa social media ang isang post kung saan makikita ang isang lalaking naglalakad na may karatulang nakakabit sa kaniyang backpack.

“Hindi po ako masamang tao. Naglalakbay ako upang makahingi ng tulong niyo. May brain tumor ang asawa ko," ang nakalagay sa karatula.

Nasa 51,000 shares na ang post, 7,000 shares at 14,000 likes.

Kinilala ang lalaki bilang si Jonathan Billones. Kuwento niya, mula Bulan, Sorsogon nagkulang ang kaniyang pamasahe kaya napilitan siyang bumaba sa Agos, Bato at dito na siya simulang naglakad patungong Naga.

Inilagay niya ang karatula para sa kaniyang proteksyon.

“Napansin ko kasi minsan may tatawagin ako. Bakit daw ako nandun? Yung ginawa ko dito hindi ko inuna yung paghingi ng tulong. Nilagay ko dito na hindi ako masamang tao. Makiraan lang ako. Ambilis ng lakad ko. Hindi ako humihingi sa kalsada. Di nila alam kung ano ang pakay ko," ani Jonathan.

Napilitan siyang iwan ang kaniyang dalawang anak at asawang si Rosenel sa Bulan.

Sadya ni Jonathan na humingi ng tulong kay Bise Presidente Leni Robredo. Bago magtanghali, nakarating siya sa opisina ng opisyal sa Naga at agad na ginabayan sa dadaanang proseso. Para sa kaniya, isang tagumpay na ito.

Hunyo noong nakaraang taon nang ma-diagnose ang kaniyang asawa na may brain tumor, na akala lang nila noong una ay sakit ng ulo dahil sa high blood.

Nagi-ipon si jonathan ng pondo para sa operasyon ng misis sa Maynila sa Abril.

“Hindi naman ako tamad eh. Pero binubuhos ko yung buhay ko. Alam ko po na ang Panginoon ay magpoprovide po siya sa akin kasi ginawa ko yung sakripisyo. Di ako mawawalan ng pag-asa. Kahit mahirap lang po ako," ani Jonathan.

Labing-anim na taon na ngayong kasal sina Jonathan at Rosenel.
At kwento ni Jonathan, hanggang ngayon ay nililigawan niya pa rin ang asawa.

“Maganda samahan namin. Walang away. Six years bago kami nagpakasal. Planado po paga-asawa namin. Hanggang ngayon nanliligaw pa ako sa asawa ko," aniya.

"Kasi hanggang ngayon di pa rin niya ako sinasagot ng oo pero nung tinanong ko siya na magpapakasal tayo, ang sagot niya sakin kelan. Mabait po asawa ko.”