MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Kapamilya morning shows mula noon hanggang ngayon
ABS-CBN News
Posted at Jun 01 2023 09:34 PM | Updated as of Jun 01 2023 10:39 PM
MAYNILA — Mula sa "Magandang Umaga Po" noong 1980s hanggang sa “Sakto!” ngayong 2020s, kasama na natin ang ABS-CBN morning shows sa paghahanda para sa ating araw.
Hindi mapapalitan ang sayang ibinigay ng mga ito sa bawat umaga kasama ang Kapamilya.
Nakilala naman sa sigla at barkadahan ng mga host ang mga sumunod na programa gaya ng "Alas Singko y Medya”, "Magandang Umaga Bayan”, at "Magandang Umaga Pilipinas".
Nagpatuloy ang tradisyong ito sa "Umagang Kay Ganda" na mula 2007 hanggang 2020 ay naging pinakamatagal na morning show sa ABS-CBN Channel 2.
Kasabay din ng mga ito ay ang ABS-CBN Regional morning shows na ipinalabas mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao.
Nanguna sa kanila ang "Maayong Buntag Mindanao" na naging longest-running morning show sa mga ABS-CBN regional station sa 26 na taon nito.
Sumabay din sa pagbangon ng mga Kapamilya sa umaga ang mga morning show sa ibang channel gaya ng “Breakfast” sa Studio 23 at “Mornings@ANC” sa ABS-CBN News Channel.
—Ulat ni Anjo Bagaoisan, Patrol ng Pilipino