Puto-bumbong maker: suki ng Simbang Gabi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Puto-bumbong maker: suki ng Simbang Gabi

Published Dec 16, 2023 02:10 PM PHT
|
Updated Feb 14, 2025 04:33 PM PHT

Kung ang ibang mag-biyenan hindi magkasundo, iba ang kuwento ni Sandra Arita Cortez, 50, tubong Balangiga, Eastern Samar.

Para kay Aling Sandra, ang biyenan niya ang susi sa pinagkakakitaan ngayon.

Mahigit tatlumpung-taon na sa pagtitinda ng puto bumbong si Aling Sandra. Nagsimula bilang assistant sa tindahan ng biyenan, hanggang nang hindi pinagpatuloy ang tindahan ng mga kapatid ng kanyang asawa, kaya minana niya ang recipe at maging ang puwesto sa pagtitinda ng puto-bumbong.

Dati ay sa tabing kalsada lang ang puwesto, pero sa mga nakaraang taon, sa loob na ng compound ng San Felipe Neri Church matatagpuan ang tindahan ni Sandra. Dati rin ay tuwing Simbang Gabi lang siya nagtitinda, ngunit kalaunan ay sinimulan niya na ang pagtitinda ng Setyembre.

Nagsimula sa maliit si Aling Sandra na bitbit pa ang mga anak sa pagtitinda noong maliliit pa sila. Nadala daw sya dahil natataon na may nangyayaring mga sakuna pag iniiwan ang mga bata habang nagtitinda siya ng puto-bumbong sa gabi.

"Once na nagtitinda ako ng simbang gabi, merong ano e, yung anak kong bunso nagulungan diyan ng sasakyan, ilang taon palang noon si bunso, siguro mga 7 or 8," kuwento ni Aling Sandra.

Meron ding isang beses na yung pangatlong anak niya, noong bata pa, ay tinamaan sa ulo pagbukas ng pinto ng kotse at kinailangang dalhin sa ospital at tahiin ang ulo.

Pero meron ding masasayang alaala, katulad noong Setptember 2010 kung saan sa puwesto mismo nagsabi ang kanyang anak na buntis na malapit nang lumabas ang magiging una niyang apo.
"Kung baga itong pagtitinda ng September hanggang December...sayang din po pang-pamasko ng mga anak ko, mga apo...sa araw-araw meron ka na agad, at saka makaka-ipon ka kahit papano," sabi ni Aling Sandra.

Lima ang anak ni Aling Sandra at may apat na apo. Kahit malalaki na ang mga anak niya at nakakatulong na sa mga panggastos nila sa bahay, mas gusto pa rin daw niya na may karagdagang kita na puwedeng mabunot pag nangailangan.

"Kung baga sa ano, tiyagaan lang, kasi kung hindi ka magtitiyaga, kaysa naman manghingi ka ng tulong e di dito na kami ...at least pag-gising namin may pagkain kami, 'pag bago kami matulog nagsisikain."

Sa ngayon, wala pang balak magretire sa pagtitinda si Aling Sandra. Pero kasama na niya ang girlfriend ng anak, gaya lang nung magsimula siya sa pagtulong-tulong sa kanyang biyenan.