'Kapit-Kamay' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Kapit-Kamay'

'Kapit-Kamay'

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2021 04:27 PM PHT

Clipboard

This piece is part of a series to mark the first anniversary of the shutdown of ABS-CBN’s broadcast on free TV and radio which happened May 5, 2020.

Celebrities, employees and supporters of ABS-CBN gather in front of the network's headquarters in Quezon City on February 21, 2020 to show support and call on congress to renew the broadcaster's franchise. George Calvelo, ABS-CBN News

Job Mondigo was a post-production specialist at ABS-CBN’s Integrated Creative Communications Management, helping produce the network’s plugs and station IDs in the 2 years he was there.

In August 2020, he and over 150 personnel of the division were retrenched after ABS-CBN’s franchise was junked in Congress.

He is now a video editor with another media content company.

Sinulat ko po ang kantang "Kapit-Kamay" bilang suporta sa laban ng kompanya.

Maliban sa panalangin at pagsali sa mga rally noon, gusto kong gamitin ang aking musika para iparamdam sa bawat Kapamilya, sa mga leader ng kompanya at sa ABS-CBN mismo ang aking pagmamahal at pasasalamat.

Inumpishan ko ang song simula noong unang araw na nag-rally ang mga empleyado. Unti-unti ko siyang sinusulat mula sa chorus pa lang.

Noong nag-shutdown na talaga, doon ko talaga siya nabuo pero hindi pa ako decided na ilabas kasi positibo ako na makakabalik din agad. Noong nagbawas na ng mga empleyado, ‘yon ang ang naging senyales ko na, sige, ilabas ko na bilang pasasalamat sa kompanya.

ADVERTISEMENT

Contributed photo

Sobrang lungkot at sobrang sakit ang naramdaman ko noon. Dahil wala akong pamilya sa Maynila, literal na nagsisilbing tahanan ko ang ABS-CBN. Mayroon din akong naging nanay sa loob, tatay, kapatid, ate, kuya. Pamilya ang natagpuan ko sa ABS.

Kaya nakakadurog ng puso 'yung bigla na lang, kailangan na namin maghiwalay at magpaalam sa isa’t-isa. Hindi lang pangarap ko ang nawala— pangarap ng magulang ko, pangarap ng pamilya ko.

Pagmamahal ang ibinigay sa'kin ng ABS-CBN. Kaya dapat lang na suklian ito ng pagmamahal. Noon pa man, naniniwala na ako sa mabuting layunin ng kompanya, ang magserbisyo sa bawat Pilipino.

Proud ako na kahit sa konting pagkakataon ay naging bahagi ako ng ABS-CBN, wala na ako sa kompanya pero forever ako magiging kapamilya.

Hindi man natupad ang pangarap ko na makilala bilang isang songwriter, napakalaking bagay na ang makapagsulat ng kanta para sa dream company ko, our beloved ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.