ABS-CBN broadcast shutdown malaki ang epekto sa public viewership, ayon sa KBP
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ABS-CBN broadcast shutdown malaki ang epekto sa public viewership, ayon sa KBP
Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Sep 23, 2020 11:34 PM PHT

MAYNILA - Bumagsak ang bilang ng mga nanonood ng telebisyon simula nang tumigil sa pag-ere ang mga programa ng ABS-CBN sa free channel matapos patayin ng 70-Kongresista ang prangkisa ng Kompanya.

Sa isang online forum na inorganisa ng Alumni Association of AIM Philippines, sinabi ni KBP President Jun Nicdao na base sa pag-aaral ng Neilsen Company na bagama't tumaas ang bilang ng mga nanonood sa telebisyon simula nang ipatupad ang enhance community quarantine sa bansadahil sa COVID-19 pandemic, nagkaroon ng malaking epekto sa viewership ang hindi pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Batay sa Philippine TV Audience Measurement o PHINTAM na isinagawa mula January 1 hanggang March 7, 2020, mataas pa ang viewership ng publiko sa primetime pero bigla itong bumaba noong tumigil sa ere ang mga programa ng ABS-CBN noong July 2020.

Binalikan pa ni Nicdao ang sinapit ng ABS-CBN nang mag-isyu ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order noong Mayo 5 na nagpatigil sa pag-ere ng mga programa ng network sa free TV. Tinawag ito ni Nicdao na Shutdown 1.

Nangyari naman ang Shutdown 2 noong June 30 nang ipatigil natin ng NTC ang Sky Direct ng ABS-CBN at mga palabas nito sa TV Plus.

Noong July 10 naman ng patayin ng 70 kongresista ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa presentation ni Nicdao gamit ang mga data mula sa Neilsen Company, ipinakita niya ang pagbaksak ng TV viewing noong nangyari ang Shutdown 1 at Shutdown 2.

Hindi rin anya lumipat ang mga ibang manonood ng ABS-CBN sa ibang channel nang mawala sa ere ang mga programa nito. Pero batay pa rin sa pag-aaral ng Neilsen, may mga nagbenepisyong istasyon ng TV sa pagsasara ng ABS-CBN umano dahil nadagdagan din ang kanilang mga manonood.

Ayon kay Nicdao ang 53.3 percent na audience share ng GMA Network sa unang shutdown ng ABS-CBN ay lumaki at umabot 63 percent nang mangyari ang Shutdown 2 noong Hunyo.

Mayron namang 6.8 percent na audience share ang TV-5 sa unang shutdown ng ABS-CBN at naging 9.5 percent ito noong Hunyo.

Samantala, natalakay sa naturang forum kung naging parehas ba ang kongreso sa pagdinig sa franchise application ng ABS-CBN.

Hayagang sinabi ni Nicdao na bagamat maaring sabihin na parehas ang mga isyu na inilatag sa congressional hearing na nasagot naman anyang lahat ng mga opisyal ng kumpanya, hindi naman dapat umabot sa puntong pinatay ang prangkisa nito.

“I think the hearings were fair, what I don’t feel is fair is the decision. My impression is that ABS-CBN was able to answer all the questions. My feelings was ABS-CBN was able to substantially defend itself. They probably made some mistakes, they were those some violations but it would not in my opinion merited killing the franchise…It would have merited some penalties, administrative fines from NTC," ani Nicdao.

Maari naman pinagmulta nalang ang kumpanya kung talagang mayroon itong mga naging violation, saad niya.
Maari naman pinagmulta nalang ang kumpanya kung talagang mayroon itong mga naging violation, saad niya.
ADVERTISEMENT
Sinabi din ni Nicdao na wala namang dapat ikabahala ang iba pang networks maliban sa isyu ng paggamit ng Philippine Depositary Receipts o PDR’s

Mayroon na kasi anyang mga panukalang batas na nakabinbin sa Kongreso dahil sa kwestyon sa ligalidad ng PDRs.

Idinagdag pa ni Nicdao na bagamat bumaba ang bilang ng mga nanonood sa telebisyon dahil sa shutdown ng ABS-CBN, makikita rin na tumaas naman ang paggamit ng digital platforms.
Ayon kay Nicdao, pinag-aaralan narin ng KBP ang kanilang bylaws na palawakin pa ang sakop nito dahil sa lumalagong industriya ng broadcasting online.

Aminado siya na mahirap itong i-regulate sa ngayon dahil kahit sino ay maaring mag-broadcast sa ngayon gamit ang internet. May mga miyembro na rin anya ang KBP na umaapelang i-regulate na rin ang digital content ng kanilang miyembro.

Read More:
ABS-CBN
ABS-CBN shutdown
ABS-CBN franchise
KBP
TV
TV viewership
Philippine TV viewership
TeleRadyo
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT