FACT CHECK: ‘Di totoong itinuturing ng CDC na airborne ang monkeypox | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: ‘Di totoong itinuturing ng CDC na airborne ang monkeypox

FACT CHECK: ‘Di totoong itinuturing ng CDC na airborne ang monkeypox

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

FACT CHECK

Hindi totoong itinuturing ng U.S. Centers for Disease and Control Prevention (CDC) ang monkeypox na isang airborne disease, taliwas sa kumakalat na post sa social media.

Mababasa sa kumakalat na post ang pahayag na “Monkeypox is an airborne disease.” Sa dulo ng post, makikita rin ang diumano’y website ng CDC na “Https.www.cdc.gov.clinicians”.

Ang naturang social media post na may maling impormasyon ay unang lumabas noong Mayo kasunod ng outbreak ng monkeypox sa non-endemic countries o ‘yung mga bansang hindi karaniwang nagtatala ng kaso ng monkeypox.

Pero walang anumang pahayag ang CDC tungkol sa pagiging airborne disease ng monkeypox. Sa katunayan, ayon mismo sa CDC, karaniwang kumakalat ang monkeypox sa pamamagitan ng close contact, gaya ng direct contact sa sugat, bodily fluids, at respiratory secretion ng mga taong nahawahan na ng sakit.

ADVERTISEMENT

Maaari ring makuha ang monkeypox mula sa mga hayop o bagay na kontaminado na ng virus na ito.

Hindi rin tunay na website ng CDC ang nakalagay sa naturang post. Ang totoong CDC website address ay “https://www.cdc.gov/

Sa isang pahayag na inilabas ng CDC noong Hunyo 9, ipinaliwanag nitong nangyayari ang airborne transmission kung ang mga maliliit na virus particle ay nanatili sa hangin sa loob nang mahabang panahon.

“These (virus) particles can spread on air currents, or sometimes even infect people who enter a room after the infected person has left. In contrast, monkeypox may be found in droplets like saliva or respiratory secretions that drop out of the air quickly. Long range (e.g., airborne) transmission of monkeypox has not been reported.”

Pinabulaanan na rin ng Department of Health ng Pilipinas na airborne ang monkeypox.

Ang monkeypox ay isang hindi pangkaraniwang sakit na dulot ng monkeypox virus. Parte ito ng pamilya ng virus kagaya ng variola virus na nagdudulot ng smallpox. Gayunman, hindi magkapareho ang dalawang sakit dahil sa pagkakaiba ng sintomas nito at paraan kung papaano ito naipapasa.

Wala ring ugnayan ang chickenpox sa monkeypox.

Noong Hulyo 23, idineklara ng World Health Organization na isang global health emergency ang monkeypox outbreak.

ABS-CBN News is a part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.