FACT CHECK: ‘Di totoong ang ‘Bongbong Rocket’ ang unang missile na pandigma sa Asya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: ‘Di totoong ang ‘Bongbong Rocket’ ang unang missile na pandigma sa Asya

FACT CHECK: ‘Di totoong ang ‘Bongbong Rocket’ ang unang missile na pandigma sa Asya

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

FACT CHECK: ‘Di totoong ang ‘Bongbong Rocket’ ang unang missile na pandigma sa Asya

Ang “Bong Bong II” o ang “Bongbong Rocket” ay hindi ang unang rocket o missile na pandigma sa buong Asya, taliwas ito sa isinalaysay sa isang video ni “Palerista Tv” sa Facebook noong Hunyo 13. Sa nasabing video, kanyang binanggit:

“Noong panahon ni Ferdinand E. Marcos, ay talagang napakalakas ng sandatahan ng Pilipinas dahil sa mga kagamitan nating pandigma na advance na advance kumpara sa mga kapitbahay natin dito sa Asya… Patunay d’yan ang Bongbong Rocket, na sa kabuuan ng Asia tayo ang unang nagkaroon ng rocket.”

Dagdag pa niya, “Kaya talo natin ang ibang bansa dito sa Asya dahil tayo lamang ang may rocket na pandigma.”

Bagamat limitado ang impormasyon na makakalap tungkol sa Bongbong Rocket, napatunayang nakapag-develop nga ang Pilipinas ng rocket o missile noong dekada ‘70.

Ayon sa librong “Arms Production in the Third World,” ang Bongbong Rocket--na kilala rin sa opisyal nitong pangalan na Bong Bong II--ay isang surface-to-surface rocket system na na-develop noong mga unang bahagi ng 1970s. Ipinangalan ito sa nag-iisang anak na lalaki ng noo’y Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Sr. na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bagong pangulo ng bansa.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa National Aeronautics and Space Administration o NASA, matagumpay ang test launch ng Bong Bong II na isinagawa noong Marso 12, 1972.

Ngunit hindi ang Bong Bong II ng Pilipinas ang unang rocket o missile sa Asya. Sa katunayan, nauna nang nakapag-develop ang Japan noong 1943 ng mga missile na pandigma na tinawag nilang “Funryu.”

Maging ang Tsina ay nakapag-develop ng missiles noong 1966 na tinawag nilang Dong Feng 5 (DF-5). Nauna rin magsagawa ng test launch para sa DF-5 ang Tsina noong 1971.

Ang North Korea ay nauna ring magkaroon ng missile system kaysa sa Pilipinas matapos silang bigyan ng noo’y Soviet Union ng missile system na V-75 Dvina (SA-2a Guideline) SAM noong 1962.

Sa ngayon, ang nasabing video ni “Palerista Tv” ay mayroon nang 239k views at 21k reactions.

-With research from Yev Monarquia, ABS-CBN Investigative & Research Group

ABS-CBN News is a part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.