Ilang establisyimento, nag-aalala sa tamang pag-iingat sa bagong P1,000 bill | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang establisyimento, nag-aalala sa tamang pag-iingat sa bagong P1,000 bill

Reiniel Pawid,
ABS-CBN News
Published Jul 11, 2022 09:05 PM PHT

MAYNILA - Pansamantala munang itinigil ng isang restaurant and bakeshop sa Quezon City ang pagtanggap ng lukot o may tuping bagong P1,000 bill.

Ikinatatakot nila na magkaroon ng aberya sa mga bagong pera kasabay ng paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay ng tamang pag-iingat ng mga nito.

Ayon kay "Mark", manager ng restaurant, noong isang linggo ay nakatanggap sila ng itinuping P1,000 bill.

Agad nila itong dineposito sa banko sa takot na hindi na ito tanggapin ng ibang establisyimento.

ADVERTISEMENT
"Natakot kami na baka hindi na tanggapin sa pagdedepositan namin. Agad-agad dineposit namin," dagdag ni Mark.

Paalala niya sa kanilang mga customer, alagaan ang lahat ng pera at ayusin ang paghawak sa mga ito lalo na ang mga bagong P1,000 bill.

"Ingatan ang bagong 1,000 bill dahil mahirap na para sa tulad namin nagtatrabaho baka sa amin ma-charge," sabi ni Mark.

Samantala, nilinaw naman ng SM Supermalls na tinatanggap nila ang mga bagong P1,000 bill na may tupi at kaunting lukot.

Sa Proper Handling Guidelines ng BSP nitong June 10, tatlong pangunahing punto ang nakalakip dito.
Sa Proper Handling Guidelines ng BSP nitong June 10, tatlong pangunahing punto ang nakalakip dito.
ADVERTISEMENT
Dapat panatilihing flat o walang gusot ang mga bagong P1,000, malinis at huwag ipagbibili sa mas mahal na halaga.

Wala pa namang abiso ang BSP na mawawalan ng halaga ang mga lukot na P1,000 bill.

Samantala, hinimok ni House Ways and Means Shair Joey Salceda si BSP Governor Felipe Medalla na maglabas ng klarong guidelines hinggil sa mga lukot o may punit na bagong P1,000 bill.

"I understand that one of the primary motivations for shifting to the polymer-based bill was that it is more durable than the paper bills. However, the lack of guidelines on what constitutes still-valid legal tender and which bills are damaged beyond being acceptable by business establishments has led to confusion in ordinary cash transactions," dagdag ni Salceda.

Sa Facebook post ng BSP, dagdag-paalala nila na huwag itong sulatan, gupitin, lagyan ng butas, plantsahin, sunugin o haluan ng kemikal.

Inilabas ang P1,000 polymer banknotes nitong Abril kung saan may bago itong disenyo ng Philippine Eagle at sampaguita na ipinalit sa national heroes na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT