Paano naiparinig ang Pambansang Awit sa unang beses sa publiko? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano naiparinig ang Pambansang Awit sa unang beses sa publiko?

ABS-CBN News
Published Jun 08, 2023 05:13 AM PHT

MAYNILA - Hindi opisyal ang paraan ng unang beses na pagtugtog sa publiko ng Pambansang Awit ng Pilipinas na ikinagulat pa nga ng kompositor nitong si Julian Felipe.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), sa isang morning mass noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa San Francisco de Malabon, o ngayo'y kilala bilang General Trias sa Cavite, unang narinig ng publiko ang Pambansang Awit.

"The National Anthem was first heard publicly, albeit unofficially, at the morning mass in San Francisco de Malabon (now General Trias), Cavite when the town band played it during the Consecration of the elements for the Eucharist," sabi ng NHCP sa isang Facebook post nitong Miyerkoles.

Nang tanungin umano ng nagulat na si Felipe ang pinuno ng banda bakit nila iyon ginawa, sumagot ang huli na nararapat lang ang Pambansang Awit ang tugtugin imbes na ang Marcha Real, ang national anthem ng Espana, na namahala noon sa Pilipinas, ayon sa NHCP.

Sa hapon ng araw ring iyon, opisyal nang tinugtog ang Pambansang Awit, sa Proklmasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, kasabay ng pagwagayway sa unang pagkakataon ng bandila ng bansa.

Kinomisyon si Felipe ni Gen. Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng bansa, noong ika-5 ng Hunyo 1898 na lumikha ng isang martsa "that is something more stirring and majestic, which can inspire our men to fight the enemy – something which embodies the noble ideals of our race”, ayon sa Proclamation No. 1239 ng yumaong Pangulong Fidel V. Ramos.

"Felipe’s composition was approved by General Aguinaldo, together with the leaders of the revolutionary government and adopted it as the Marcha Nacional Filipina," dagdag pa ng nasabing proklamasyon na ginawa ni Ramos noong ika-4 ng Hunyo 1998 upang itakda ang Hunyo 5 ng bawat taon bilang Philippine National Anthem Day.

Nanatiling martsa o musika lamang ang naturang komposisyon hanggang malapatan ito ng liriko mula sa tulang nilikha ng sundalong si Jose Palma na pinamagatang, "Filipinas", ayon naman sa isang artikulong nakalathala sa website ng isang embahada ng Pilipinas.

Makailang beses umanong naisalin ang liriko mula sa orihinal nitong Espanyol hanggang sa Ingles at Tagalog. Maging ang titulo nito ay minsan naging "Diwa ng Bayan" at "O Sintang Lupa", sabi ng NHCP sa isang hiwalay na Facebook post.

Ang kasalukuyang opisyal na liriko, at ang titulong "Lupang Hinirang" ay in-adopt noong 1950s.

Noong ika-12 ng Pebrero 1998, naisabatas ang Republic Act No. 8491, o “Flag and Heraldic Code of the Philippines" kung saan patungkol sa Pambansang Awit ang Sections 35 hanggang 39.

Nitong Lunes, ika-5 ng Hunyo, nagkaroon ng paggunita at pagdiriwang sa 125th anniversary ng Pambansang Awit, ayon sa NHCP.

KAUGNAY NA ULAT
Read More:
Pambansang Awit
Lupang Hinirang
Philippine national anthem
National Historical Commission of the Philippines
NHCP
Julian Felipe
General Trias
Kawit
Cavite
125th Independence Day
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT