FACT CHECK: Di totoong ibinilin ni Bro. Eli Soriano na huwag iboto ang mga ‘kakampink’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Di totoong ibinilin ni Bro. Eli Soriano na huwag iboto ang mga ‘kakampink’

FACT CHECK: Di totoong ibinilin ni Bro. Eli Soriano na huwag iboto ang mga ‘kakampink’

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

FACT CHECK: Di totoong ibinilin ni Bro. Eli Soriano na huwag iboto ang mga ‘kakampink’

Hindi totoong bago pumanaw ang pastor at televangelist na si Bro. Eliseo “Eli” Soriano noong nakaraang taon ay nagbilin umano ito sa kanyang mga tagasunod na huwag iboto ang mga “kakampink” na kaalyado umano ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria “Joma” Sison.

Taliwas ito sa sinasabi ng isang video ng Facebook page na “SG Bantay Kasaysayan” na nai-post noong Abril 29.

“Bilin ni Bro Eli Soriano bago pumanaw tungkol kay Joma, mga kakampink nito at kung sino sino ang mga hindi dapat iboto ng sambayanang Pilipino,” ayon sa caption ng naturang post.

“Kakampink” ang tawag sa mga tagasuporta ni Bise Presidente Leni Robredo sa kaniyang kampanya sa pagkapangulo nitong nagdaang halalan.

ADVERTISEMENT

Ngunit kung panonoorin ang video, makikitang pinagdikit-dikit na mga bahagi lamang ito ng orihinal na livestream ng isang “Bible Exposition” ng Dating Daan noon pang Pebrero 1, 2021, ilang araw bago pumanaw ang pastor.

Wala ring nabanggit sa video na anumang patungkol sa mga “kakampink".

Ang tanging makikita sa video ay ang pagsagot ni Soriano sa isang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines patungkol sa red-tagging na naganap sa unibersidad. Binatikos din niya ang umano’y pagpapalaya ni dating Presidente Corazon Aquino kay Sison.

Ang kumakalat na Facebook post ay umani na ng 5.6 milyong views, 359,000 reactions, 13,000 komento, at 242,000 shares sa Facebook. Ang orihinal na video naman na ipinost ni “adrianpaulfernandez” sa Tiktok ay burado na ngayon.

— With research from Adrian Kenneth Halili, ABS-CBN Investigative & Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.