FACT CHECK: Jillian Robredo, di nagsabi ng 'let me educate you' bago sigawan sa Baguio | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Jillian Robredo, di nagsabi ng 'let me educate you' bago sigawan sa Baguio

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Apr 28, 2022 06:53 PM PHT

Hindi totoong sinabihan ng bunsong anak ni Vice President Leni Robredo na si Jillian ang isang lalaki ng “let me educate you” habang nangangampanya sa Baguio City Public Market noong Abril 26.

Taliwas ito sa caption ng mga kumakalat na spliced o pinutol na video sa social media. Naging dahilan diumano ito ng pagsigaw ng lalaki ng, “Huwag niyo akong sungit-sungitan nang ganyan. Dayuhan ka lang dito, Igorot kami.”

Ngunit sa mahigit 5-minutong orihinal na video kung saan hinango ang spliced clip, makikitang nakikipag-selfie pa si Jillian sa isang tagasuporta nang marinig ang malakas ng boses ng naturang lalaki. Wala ring maririnig sa video na sinabi ni Jillian ang katagang, “Let me educate you.”

Sa isa pang video ng insidente na kuha mula sa ibang anggulo, makikitang may mga nahihirapang dumaan dahil sa dami ng tao, kabilang na rito ang lalaking sumigaw.

Kinumpronta at sinaway niya ang grupo ni Jillian at mga tagasuporta. Nang kausapin ng isang miyembro, saka sinabi ng lalaki na, “Huwag mo akong sungit-sungitan ng ganyan. Dayuhan ka lang dito, Igorot kami.” Inupload ng user na si @michellejoyce sa Twitter ang nasabing video.

Another perspective where the heckler is seen already.
Another proof na WALANG pagtataray o pagsusungit si ate Jillian sa taong nanigaw sa Baguio.
Nasaan din dito ang pinakakalat ninyong, "LET ME EDUCATE YOU?"
Wala. #JillianIsWelcome pic.twitter.com/emfRW4yjq7
— MicheIIe Joyce (@micheIIejoyce) April 27, 2022

Ganito rin ang inilahad ng One Baguio Benguet-Robredo People’s Council sa kanilang pahayag.

Humingi naman ng paumanhin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kay Jillian at sa Bise Presidente.

“It is with deep regrets that the city officialdom extends sincere apology to Ms. Jillian Robredo, daughter of our esteemed Vice-President and presidential candidate Leni Robredo, over the unfortunate heckling incident at our public market, while visiting the place,” sabi ng alkalde sa isang pahayag.

Sumagot naman si Robredo, “Thank you very much, Mayor Benjie, but there is no need to apologize.”

“This unfortunate incident does not diminish our love and respect for the people of Baguio,” dagdag niya sa isang tweet.

Thank you very much, Mayor Benjie, but there is no need to apologize. This unfortunate incident does not diminish our love and respect for the people of Baguio. https://t.co/FJ6ihJ2999
— Leni Robredo (@lenirobredo) April 27, 2022

Sa ngayon ay mayroon nang 1,700 reactions, 1,800 comments, at 51,000 views ang video na inupload ng BBM Unite Filipino People.

— With research from Yev Monarquia, ABS-CBN Investigative and research Group
ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.
Read More:
Leni Robredo
Robredo
Jillian Robredo
Baguio City
Benjamin Magalong
Halalan 2022
elections
misinformation
disinformation
fact check
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT