FACT CHECK: Hindi nagbanta si Robredo na magkakagulo 'pag natalo siya sa halalan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi nagbanta si Robredo na magkakagulo 'pag natalo siya sa halalan

FACT CHECK: Hindi nagbanta si Robredo na magkakagulo 'pag natalo siya sa halalan

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Apr 19, 2022 09:43 PM PHT

Clipboard

FACT CHECK: Hindi nagbanta si Robredo na magkakagulo

Hindi totoong sinabi ni Vice President Leni Robredo na magkakagulo kapag hindi siya nanalo sa darating na halalan, taliwas sa mga kumakalat sa Tiktok at YouTube.

“She never said this,” pahayag ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez sa ABS-CBN Fact Check Team.

Wala ring anumang record na nakita ang ABS-CBN News na sinabi ito ni Robredo.

Taliwas ito sa mga kumakalat sa social media na isang video clip mula sa joint press conference noong Abril 17 ng mga kalaban ni Robredo sa pagka-pangulo na sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Sen. Panfilo Lacson at dating defense secretary Norberto Gonzales kung saan ipinrisinta nila ang mga sarili bilang opsyon sa darating na Halalan.

ADVERTISEMENT

Sa nasabing press conference, nagtanong ang reporter na si Marlon Purificacion na nagpakilala bilang bahagi ng Journal Publications sa tatlong kandidato sa pagka-pangulo.

“Sir, kunin ko lang ho ang reaksyon niyo. Kasi may statement recently si Vice President Leni Robredo na ‘pag natalo siya ngayong eleksyon ay magkakagulo. What’s your take on that, sir?” aniya.

Bago siya sumagot, nilinaw muna ni Lacson kay Purificacion kung mula mismo kay Robredo ang pahayag, na sinagot naman ni Purificacion ng “yes.”

Ang video clip ng bahagi na ito ng press conference ay kumakalat sa social media at nilagyan ng mapanlinlang na titulo o di kaya’y caption na tila nagpapatotoo na may ganito ngang pahayag si Robredo.

Sa TikTok video ni “viralnow25,” nilagyan ng caption ang nasabing video clip na “MAKAKAGULO DAW KAPAG NATALO SI LENI SA ELEKSYON.” Umani na ito ng mahigit 6.2M views at 362.9K likes. Ni-repost din ito sa Facebook at mayroon nang mahigit 2M views, 52K reactions at 13K comments.

Ginamit din ang parehong video clip ng YouTube channel na “Ph News Recap” at nilagyan ng titulong “LENI NAGBABANTA NA MAGKAKAGULO KAPAG NATALO SA ELEKSYON MAGKAKA-PEOPLE POWER DAW.” Ang video namang ito’y umani na ng mahigit 72K views at 1.9K likes.

Bago pa man ang nasabing joint press conference, nag-upload na ang YouTube Channel na “Banat By” noong Abril 11 ng isang panayam kay Mayor Isko Moreno Domagoso na nilagyan ng mapanlinlang na titulong “BREAKING NEWS: Pagnanalo si MARCOS at si ROBREDO walang tigil ang gulo!”

ABS-CBN News is a part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.