FACT CHECK: Mali ang paratang na 'di naging abogado ng Sumilao farmers si Robredo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Mali ang paratang na 'di naging abogado ng Sumilao farmers si Robredo

FACT CHECK: Mali ang paratang na 'di naging abogado ng Sumilao farmers si Robredo

ABS-CBN News

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/04/12/20220412-fact-check.jpg


Pinabulaanan ni Dinagat Islands Governor Arlene “Kaka” Bag-ao ang paratang na hindi tumayo si Vice President Leni Robredo bilang abogado ng mga magsasaka ng Sumilao, Bukidnon.

“Kung ang question ay ako ba ang lead counsel ng Sumilao farmers, ang sagot ko ay yes. Kung ang tanong ay si Leni ba ay naging abogado ng Sumilao farmers, ang sagot ko rin ay yes,” ani Bag-ao sa panayam ng ABS-CBN News Fact Check Team.

Taliwas ito sa kumakalat na tweet na nagsabing, “HINDI PALA TALAGA SIYA (Robredo)” ang abogada ng mga Sumilao farmers.

“One of the reasons why I voted and supported (PAREHONG PAST TENSE) VP Leni is ‘yung pagiging abogada niya for the Sumilao farmers. Tapos ngayon malalaman ko HINDI PALA TALAGA SIYA? It was Kaka Bag-ao who handled it for 20+ years. Facepalm to my 18 year-old self,” dagdag ng naturang tweet.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Bag-ao, may iba’t-ibang aspeto ang pagiging abogado, at hindi lamang ang pagharap sa korte.

“She [Robredo] was part of the legal research on policy determination, like issues, that was presented in the case,” dagdag pa niya.

Watch more News on iWantTFC

Ayon naman kay Atty. Marlon Manuel, dating executive director ng Saligan o Sentro ng Alternatibong Lingap Panlegal, tumagal nang nasa isang dekada ang kampanya ng Sumilao Farmers para mabawi ang kanilang ancestral land.

Binubuo aniya ito ng maraming kaso na pinagtulungan ng maraming abogado, kabilang na si Robredo.

“The Sumilao ‘case’ was more of a campaign, rather than a litigation of a single case,” ani Manuel.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya, mayroong Sumilao case na isinampa sa Department of Agrarian Reform, sa Office of the President at sa Korte Suprema.

“In fact, the farmers finally won, not through litigation—although the litigation helped—but through a negotiated agreement with San Miguel,” paliwanag ni Manuel.

Bago pa man pumasok sa pulitika, isang public interest lawyer si Robredo sa Naga Chapter ng Saligan, kung saan naging branch coordinator at abogado siya nang 13 taon.

Katuwang ng Saligan sa paghawak ng mga kaso ng Sumilao Farmers ang 2 pang grupo ng mga abogado, ang KAISAHAN at ang BALAOD-Mindanaw, na itinatag naman ni Bag-ao.

ANG KASO NG SUMILAO FARMERS

Taong 1997 nang magsagawa ng hunger strike ang mga magsasaka ng Sumilao sa harapan ng head office ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City bilang protesta sa pagpapawalang-bisa ng titulo ng kanilang lupang sakahan at pagka-exempt nito sa agrarian reform program.

ADVERTISEMENT

Nagkaroon ng “win-win” solution para rito si dating President Fidel V. Ramos, kung saan ibinigay sa mga magsasaka ang 100 ektarya ng lupa, at 44 na ektarya naman sa Norberto Quisumbing Sr. Management and Development Corporation (NQSRMDC).

Subalit pinawalang-bisa ito ng Korte Suprema.

Matapos ang isang dekada, inilunsad ng mga magsasaka ang kampanyang "Walk for Land, Walk for Justice," kung saan naglakad sila ng 1,700 kilometro mula Sumilao, Bukidnon patungong Malacañang sa loob ng 2 buwan.

Taong 2008 nang magkasundo ang Sumilao Farmers at San Miguel Corp. kung saan nagpirmahan sila ng memorandum of agreement at naiproseso ang pagbalik ng lupa sa mga magsasaka.

Hanggang ngayon ay active pa rin ang tweet na nagsasabing hindi totoong naging abogada ng Sumilao Farmers si Robredo. Mayroon itong 836 likes, 232 quote retweets at 190 retweets.

— With research from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative and Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.