FACT CHECK: Totoo ang $1.43 million na invoice na nakapangalan kay Imelda Marcos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Totoo ang $1.43 million na invoice na nakapangalan kay Imelda Marcos

FACT CHECK: Totoo ang $1.43 million na invoice na nakapangalan kay Imelda Marcos

ABS-CBN Investigative & Research Group

 | 

Updated Apr 04, 2022 04:49 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/04/02/fact-check.jpg

Totoo ang kumakalat na larawan ng isang lumang “invoice” mula sa sikat na tindahan ng alahas na Bulgari sa New York na nakapangalan kay dating First Lady Imelda Marcos at sa kanyang sekretarya na si Vilma Bautista.

Makikita sa nasabing “invoice” ang mga pinamiling alahas ni Marcos na nagkakahalaga ng USD$1.43 milyon noong Hulyo 20, 1978. Katumbas ito ng 10.53 milyong piso noong panahon na iyon, at mahigit 74 milyong piso naman sa ngayon, ayon sa exchange rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kabilang sa mga pinamili nya ay isang bracelet na may mga emeralds at diyamante na nagkakahalaga ng USD$1.15 milyon (katumbas ng P8.46 milyon noong 1978 at mahigit P59.69 milyon ngayon), ear clips na may 18 karat na ginto at mga diyamante na nagkakahalaga naman ng USD$78,000 (katumbas ng P574,000 noong 1978 at mahigit P4.05 milyon ngayon), at iba pang mamahaling mga alahas.

Nauna nang lumabas ang litratong ito sa New York Daily News noong 2014 nang mahatulan ng Manhattan Supreme Court si Bautista ng dalawa hanggang anim na taong pagkakulong dahil sa “tax fraud,” “conspiracy” at “offering a false instrument for filing.”

ADVERTISEMENT

Naging viral na rin ang larawan ng invoice na ito noong kasagsagan ng kampanya sa pagka-bise presidente nina Bongbong Marcos at Leni Robredo noong 2016. Muling kumalat ito noong anibersayo ng Martial Law Declaration noong Setyembre 21 ng nakaraang taon.

Ang larawan ng invoice ay kuha ni Alex Bowie, isang photojournalist na nagtrabaho sa iba’t-ibang pahayagan kabilang na ang Time magazine. Ayon sa Getty Images, ang invoice na ito ay galing sa mga dokumento na nakalap sa likod ng Malacañang Palace noong gabing lumipad ang pamilyang Marcos sa Hawaii noong Pebrero 25, 1986.

Naulit pa ang ganitong klase ng pamimili ni Marcos ng mga alahas. Ayon sa isang ulat na inilabas ng LA Times noong Marso 20, 1986, halos isang buwan pagkatapos ng EDSA Revolution, umabot sa USD$3 milyon (P30.24 milyon noong panahong iyon at mahigit P155.72 milyon ngayon) ang halaga ng mga alahas at iba pang gamit na pinamili ni Marcos sa loob lamang ng isang araw noong Mayo 1983 sa New York.

Ayon sa Presidential Commission on Good Governance, ang mga nakaw na yaman ng mga Marcos ay tinatayang nasa USD$5 bilyon hanggang USD$10 bilyon. Pero P170 bilyon pa lamang dito, o USD$3 bilyon ang nababawi ng gobyerno sa loob ng nagdaang 30 taon.

- with research from Ciara Annatu, ABS-CBN Investigative and Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond. ‍

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.