FACT CHECK: Hindi totoong 'devil horn' o 'satanic salute' ang hand sign ng Leni-Kiko tandem | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi totoong 'devil horn' o 'satanic salute' ang hand sign ng Leni-Kiko tandem

FACT CHECK: Hindi totoong 'devil horn' o 'satanic salute' ang hand sign ng Leni-Kiko tandem

Bayan Mo,

iPatrol Mo

 | 

Updated Mar 24, 2022 01:05 AM PHT

Clipboard

Leni - Kiko

Hindi totoong simbolo ng demonyo ang hand sign na ginawa nina Bise Presidente Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa kanilang campaign rally sa Negros Occidental noong Marso 11.

Isang Facebook user ang nagbahagi ng larawan nina Robredo at Pangilinan mula sa rally, at tinawag niyang “devil’s horn” umano ang ginawa nilang hand signal.

Dagdag pa ng nag-post, ito raw ang bagong hand sign ng “Pinklawan.” Kasama sa kaniyang post ang larawan na nagpapakita ng evil spirit sign at satanic salute.

Pero, ang katotohanan ay ang hand sign na ginawa nina Robredo at Pangilinan ay nagpapakita ng “I love you” na madalas ginagamit para sa deaf and mute community.

ADVERTISEMENT

Ang “I love you” hand sign ay mula sa American Sign Language kung saan ang hinliliit, hintuturo at hinlalaki ay kumakatawan sa mga letrang I, L at Y na kinikilala bilang pinaikling bersyon ng “I love you.”

Kasama sa mga dumalo sa Negros Occidental rally ay mga miyembro ng deaf and mute community.

Sa isang litrato ng rally na ibinahagi sa official Facebook account ni Robredo, makikita ang placard na may nakasulat na, “Our EARS, may not hear you, but our HEARTS can hear you LENI and KIKO.” May drawing ang placard ng “I love you” hand sign.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.