FACT CHECK: Hindi nga ba iniulat ng media ang Marcos motorcade sa Nueva Ecija? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi nga ba iniulat ng media ang Marcos motorcade sa Nueva Ecija?

ABS-CBN Investigative & Research Group
Published Mar 18, 2022 05:13 PM PHT

Walang katotohanan ang paratang na hindi iniulat ng media ang pagsama ng mga tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang motorcade sa Nueva Ecija sa kabila ng malakas na ulan noong Marso 15.

Sa katunayan, lumabas ang ulat ukol sa motorcode hindi lamang sa ABS-CBN, kundi sa iba pang media outlets sa TV at online.

Sa video na in-upload ng YouTube channel na Showbiz Fanaticz noong Marso 16, ipinakita ang campaign motorcade ni Marcos at isinalaysay ang matinding suporta ng mga dumalo dito kahit umuulan.

“Kahit na nilalamig na ang iba at basang-basa na sa ulan ay hindi pa rin nila naiwan ang presidential aspirant na si Bongbong Marcos na pinagkaguluhan sa nasabing lugar,” ayon sa salaysay sa video.

Ang video na mayroon na ngayong 22,500 views, ay nilapatan ng titulong: “ITO ANG HINDI INILALABAS ng MEDIA: Kahit UMULAN, Taga NUEVA ECIJA HINDI INIWAN si MACOS (sic)| BBM NAIYAK!”

Subalit taliwas sa titulo ng video na ito, naglabas ang ABS-CBN ng mga ulat tungkol sa motorcade kung saan inilarawan din na inulan ito.

Noong mismong gabi ng nasabing kampanya nitong Martes, ipinalabas sa TV Patrol ang ulat ni ABS-CBN Reporter Ina Reformina kung saan sinundan niya ang motorcade ni Marcos.

“At sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, dinagsa pa rin ng mga taga-suporta ang motorcade ng UniTeam,” ani Reformina sa ulat.

Naka-upload din sa opisyal na news website ng ABS-CBN ang nasabing report.
Naka-upload din sa opisyal na news website ng ABS-CBN ang nasabing report.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa rito, mayroon ring tweet si Reformina sa kanyang personal account tungkol sa motorcade.

Nueva Ecijanos brave the downpour that has interrupted today's BBM-Sara, UniTeam scheduled motorcade from Cabanatuan City to Talavera town.
The motorcade pushes through, as some supporters chant, 'Rain or shine!'
UniTeam grand rally to take place in Talavera.#Halalan2022 pic.twitter.com/f5Co3dSWUw
— Ina Reformina (@InaReformina) March 15, 2022

Maliban sa ABS-CBN, mayroon ding live report ang News 5 kung saan inilarawan din ang sitwasyon sa motorcade ni Marcos.

“Kung makikita ninyo ngayon, kahit umuulan ay pinagkakaguluhan ang presidential candidate na nag-ikot at naglakad bago magsimula ang motorcade. So ito ‘yung dami ng tao ngayon na sumusuporta sa kanya at sinusundan siya,” ayon sa News5 report.

Mayroon ding livestream ang Rappler sa naturang UniTeam rally sa Nueva Ecija.

– with research from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative and Research Group
ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.
Read More:
Bongbong Marcos
Sara Duterte
Marcos
Duterte
Nueva Ecija
elections
misinformation
disinformation
fact check
ABSCBN Investigative and Research Group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT