FACT CHECK: Hindi si Jay Sonza ang nagtatag ng Aksyon Demokratiko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi si Jay Sonza ang nagtatag ng Aksyon Demokratiko

FACT CHECK: Hindi si Jay Sonza ang nagtatag ng Aksyon Demokratiko

Bayan Mo,

I-Patrol Mo

Clipboard

FACT CHECKED BY BAYAN MO, I-PATROL MO

Hindi totoo ang sinabi ng dating broadcaster na si Jay Sonza na siya at ang pumanaw na DILG secretary Jesse Robredo ang nagtatag ng Aksyon Demokratiko noong 1992.

Sinabi niya ito sa isang video interview noong Pebrero 8 na inilabas ng YouTube channel na Duterte News TV.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Ernest Ramel Jr., kasalukuyang chairman ng Aksyon Demokratiko, ang partido ay itinayo noong 1997, hindi 1992. Si Sonza umano ay sumali sa partido noong 2003 at tumakbo pero natalo bilang senador noong 2004.

FACT CHECK: Hindi si Jay Sonza ang nagtatag ng Aksyon Demokratiko

Ang Aksyon Demokratiko ay binuo ni dating senador Raul Roco. Tumakbo si Roco bilang presidente noong 1998 ngunit natalo. Pumanaw si Roco noong 2005 dahil sa sakit na kanser.

ADVERTISEMENT

Hindi rin naging kasapi ng Aksyon Demokratiko si Jesse Robredo, na miyembro ng Liberal Party.

Ang video ni Sonza ay mayroon nang lagpas sa 128,000 views, 4,600 likes, at mahigit 330 comments limang araw matapos unang i-upload.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.